'Supporting pesos' sa Immigration
January 18, 2003 | 12:00am
Nagsumbong kasi sa mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga kababayan nating naghohotraba sa Gitnang Silangan, partikular ang mga Noypi sa Abu Dhabi dahil ginigipit daw sila ng isang gagong Immigration officer kapag nasa immigration counter sila ng departure area sa NAIA. Sapilitan silang hinihingan ng supporting pesos o P6,000 para makalabas sila ng bansa kahit kumpleto ang kanilang mga dokumento.
Ang sinasabing visiting visa, ang naging ugat ng kanilang problema kahit suportado sila ng legal na dokumento ay may butas pa rin sila. Pitsa lang ang kailangan!
Siyempre ang mga kababayan natin umaalis sa Pinas ay gagawa ng paraan kahit na ano basta makapagtrabaho lamang sa abroad kasi sa walang hotraba sa atin.
Sabi nila katulong ang OFWs, sa pagpapaunlad ng ekonomiya sa bansa pero bato ang ginaganti sa amin ng mga kurap ang pahirapan kami at kikilan ng pitsa, ayon sa sulat.
Marami ang naging biktima ng supporting pesos," kaya kumalat ang isang white paper sa Abu Dhabi para hikayatin ang mga Noyping nabiktima ng mga kamote.
Hindi lamang sulat ng mga kababayan natin ang ipinadala sa mga kuwago ng ORA MISMO kundi maging sa internet ay mababasa ang kanilang mga hinaing laban sa ilang tarantadong tauhan ng gobyerno.
Bakit hindi mo ilagay ang pangalan ng gagong immigration officer sa kolum mo ngayon? tanong ng kuwagong sepulturero.
Wala pang inihain na formal complaint ang mga kababayan natin kaya kailangan hintayin natin ang reklamo nila pagdating nila sa Pinas, sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Ang gagong Immigration officer ay sinipa na sa NAIA at inilagay sa freezer ni Commissioner Domingo.
Siguro dapat hintayin natin ang mga complainants, sabi ng kuwagong pulis na naglalanggas ng kanyang sariling galis.
Kapag hinintay natin ang mga nagrereklamo tiyak kung magkaka-almoranas si Mr. Corrupt men?
Bakit?
Nagbubutas ito ng silya sa Immigration office ngayon.
Patawa ka pa kamote! He-he-he!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended