^

PSN Opinyon

Sumaya ang Pasko ng mahihirap sa tulong ng iba

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
DAHIL sa ako ay matatawag na isang matahimik na ususero at mahilig magmasid sa mga nagaganap sa paligid-ligid maliban sa malimit na nakikihalo sa mga iba’t ibang umpukan, maaari ko nang sabihin na maluwalhating naidaos ng sambayanang Pilipino ang araw ng Pasko kahit na marami pa rin sa atin ang naghihirap at walang regular na pinagkakakitaan.

Nitong Pasko, naghatid kami ng mga regalo at makakain sa mga kaibigan naming nakatira sa magkakaibang lugar na hindi mo maikakatwa na pinamumugaran ng mga mahirap pa sa mga pinakamahirap. Sa ilang ulit na pagpunta ko sa mga lugar na ito, tuwina akong nakararamdam ng pag-aagnas ng aking puso nang dahil marahil sa awa sa tao rito. Subalit sa araw na ito, napansin ko ang kaibahan. Malinis ang kapaligiran. Masayang naghuhuntahan ang pami-pamilya habang kumakain... at kuntodo nakabihis pa. Mga batang naka-isputing pa ay nagsisipaglaro. Talagang Pasko!

Naikuwento sa amin na ilang araw na palang nagawi sa kanilang lugar ang maraming tao na ang iba ay mga grupo ng mga sari-saring samahan ng mga concerned citizens na namahagi ng pera, laruan, pagkain, mga de-lata at iba pang mga regalong Pamasko. Anila, kung hindi sa kagandahang-loob ng mga ito, hindi sana magiging maganda at masagana ang kanilang Pasko.

Pumasok tuloy sa isipan ko na malaki marahil ang nagagawang halimbawa at impluwensiya ng mga iba’t ibang programa sa telebisyon na katulad ng Wish Ko Lang at Extra, Extra ng GMA-7 at Willingly Yours at Game Ka Na Ba ng ABS-CBN. Nagbibigay din ng mga biyaya sa mga mahihirap ang iba pang palatuntunan o program segments sa radyo at TV at mga civic projects na sa ngayon ay hindi na namin muna mababanggit nang dahil sa kakulangan ng espasyo.

Bukod-tangi pa rin ang mga Pilipino sa kagandahang-loob. Marahil ay dahil sa malapit tayo sa Diyos kung kaya’t hindi mahirap sa atin ang magmahal at tumulong sa ating kapwa. Nawa ay manatili sa ating puso ang pag-ibig ni Jesus sa araw-araw ng ating buhay at hindi lamang sa tuwing sumasapit ang araw ng Pasko.

ANILA

ARAW

GAME KA NA BA

NITONG PASKO

PASKO

PILIPINO

TALAGANG PASKO

WILLINGLY YOURS

WISH KO LANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with