^

PSN Opinyon

Mga sintomas ng inflamatory breast cancer

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
ANG inflammatory breast cancer ang pinaka-agressive at advanced form ng breast cancer. Ito ay kumakalat sa buong bahagi ng suso na hindi nade-detect. Matatagpuan ito sa dermal lymphatic system, ang bahagi ng immune system na nagpoprotekta sa katawan laban sa impeksiyon at sakit. Bumabara ang cancer cells sa lymph vessels at ito ang nagiging dahilan para maging mamula-mula ang suso at mainit kung hihipuin.

Ang pag-diagnose sa inflammatory breast cancer ay may kahirapan. Karaniwan itong hindi ma-detect sa pamamagitan ng mammograms o ultrasound. Inflammatory breast cancer symptoms are similar to those of mastitis, a benign breast infection. Initially it is frequently misdiagnosed, resulting in the delay of proper treatment and wasted precious time. Ang pagsasailalim sa skin biopsy, MRI, o PET scan ay maaaring makatulong para madetemine ang dahilan ng symptoms.

Ang sintomas ng mga inflammatory breast cancer ay ang sumusunod: Hindi karaniwang laki ng suso, pamumula, rash, blothchiness, pangangati ng suso at ng utong, bukol, matinding pananakit, pamamaga sa may kilikili, pagiging flat o pagkabaligtad ng utong at pagkakaroon ng discharge sa utong at pagbabago ng kulay sa paligid ng utong.

Ang pagsasailalim sa chemotheraphy ang dapat gawin sa ganitong uri ng cancer para mapigilan ang pagkalat sa iba pang bahagi ng katawan. Kasunod nito ang pagsasagawa ng operasyon at radiation.

vuukle comment

BREAST

BUMABARA

CANCER

INFLAMMATORY

KARANIWAN

KASUNOD

MATATAGPUAN

SUSO

UTONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with