Babala ng MMDA sa mga colorum tow trucks, kakaning baboy
December 20, 2002 | 12:00am
NAGPAKITA ng gilas ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa pamamagitan ng kanilang pagpapalabas ng babala sa mga illegal na towing companies sa Kamaynilaan sa mga pahayagan at sa telebisyon kamakalawa.
Itoy matapos nilang makita ang nilalaman ng BITAG surveillance video. Malaki ang aming pagkakamali. Ipinakita namin sa mga hunghang ang kapalpakan at katarantaduhan ng SOG Towing ng Maynila noong Disyembre 16.
Nagpapogi ang mga taga-MMDA sa media. Natunugan din nilang ilalabas ng BITAG sa aming December 28 episode ang carnapping style na paghatak ng mga towing company.
Naglalaro sa aming isipan, magaling sa nakawan ng istorya ang mga dupang. Nagnakaw na, nagpapogi pa! Akala siguro ng mga istupido, ipinanganak kami kahapon.
Sangkaterba na ang mga reklamo mula sa mga motorista laban sa mga towing companies sa Kamaynilaan. Hindi na bago ang reklamong ito at alam ito ng mga taga-MMDA.
Base sa aming isinagawang imbestigasyon, alam din ng MMDA na marami ang mga illegal at colorum na towing companies sa Kamaynilaan.
Alam din ng MMDA Towing Division kung sino at kung saan sa Kamaynilaan matatagpuan ang mga salot na ito. Ang problema, magaling sa ngawa, kulang sa gawa.
Kinompronta ko kahapon sa telepono si Angelito Vergel de Dios ng Traffic Operation Center tungkol sa kanyang babala laban sa mga tow trucks dahil alam ko namang kakaning baboy ang kanyang pinagsasabi. Ang sagot ni kengkoy, You are entitled to your opinion, Mr. Ben Tulfo.
Ito ang mensahe ko sayo Vergel de Diyos. Sa imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO at ng BITAG, hindi kami opinyon. KATOTOHANAN, AKSYON AT TAMANG RESULTA ang aming mga gawain.
Sumagot ka kung gusto mo! Wala rin akong pakialam kung ayaw mo, dahil nakakasiguro ako wala rin namang saysay ang iyong mga sasabihin.
Para sa mga tips, reklamot sumbong, tumawag o mag-text sa mga numerong ito: (0918) 934-6417 at telepono 932-5310/932-8919. Makinig sa DZME 1530 kHZ, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. Manood tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon, ABC-5. E-mail us: [email protected]/ [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended