^

PSN Opinyon

Ang pagbabalik ng lawin (pipit lang kaya ?)

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
BUMALIK na sa bansa ang kontrobersiyal na banker at patron of the arts, Ernest Escaller. Galing daw siya sa Estados Unidos ( sa Los Angeles) para sa isang business trip. Pinasinungalingan niya ang paratang ni Sen. Ping Lacson na siya raw ay sumubok na magsuhol kay Supt. John Campos, ng P10-milyon para bumaligtad at tumawid sa kampo nila Rosebud at magsalita laban kay Sen. Ping. (Sa tingin n’yo ba kung ito’y totoo, aamin si Escaller?)

Wala namang sira ulo ang aamin na ginawa niya yun para malubog ang kanyang sarili sa gusot na maaari nitong ikamatay o ikabilanggo.

Si Ernest Escaller ay tahimik at hindi masyadong kilala ng sambayanang Pilipino. Kilala siya sa sirkulo na kanyang ginagalawan at nabibilang sa mga miyembro ng alta de sociedad. Ngayon na nakaladkad siya, una, diumano, bilang nag-facilitate ng suhol na dalawang milyong dolyar kay Justice Secretary (on leave) Hernando B. Perez, at pati na rin sa expose ni Sen. Ping na sumubok na sumuhol ng P10-milyon kay Supt. John, maski bata kilala na ang pangalang Ernest Escaller.

Hindi pa natutuyo ang tinta ng kanyang pasaporte, dinagsa na siya ng media para hingan ng pahayag. Hinayaan ni Escaller ang kanyang abogado na si Peter Corvera, ang magsalita para sa kanya.

Maganda sigurong tanungin ng Philippine National Police, o ng National Bureau of Investigation, (kung sinuman sa kanila ang humahawak ng kaso ng pagpaslang kay Campos), si Ernest Escaller. Kung ano ang partisipasyon niya, kung meron man, at kung may kinalaman siya sa dalawang malaking suhulan na idinadawit ang kanyang pangalan.

Uso na naman ngayon ang walang kamatayan, kasuka-suka nang bangayan nina Sen. Ping Lacson at Chief Superintendent Reynaldo Berroya. Dapat maintindihan ni Sen. Ping na pinababa lamang niya ang kanyang pagiging senador sa ginagawa niyang pagsagot sa mga patutsada ni Chief Supt. Berroya.

Dating magkaibigan ang dalawa. Nagkatampuhan. Nagkalayo. Ngayo’y mortal na magkaaway. Sinong panalo? Walang iba kundi ang media na nagpipiyesta sa kanilang tirahan.

Totoo kaya ang kanilang away o baka naman moro-moro lang ito? Anong palagay ninyo?

Ipaalam niyo sa inyong lingkod ang inyong opinion. Marami ang nag-text sa akin tungkol sa artikulo kong isinulat na "Ang galing galing naman ni Sen. Ping." Isang texter ang nagbigay ng magandang tanong. Kung sa biglang tingin, para walang ibig sabihin. Ang tanong niya, "kalbo na ba nun pa si Antonio Cabanban at kung hindi naman, kailan siya nagpakalbo at ilang araw bago napatay si Supt. Campos?" Magandang tanong, di po ba? Ano Choly Cabanban, kelan ka ba nagpakalbo?

Inalam na kaya ni Superintendent Wency Pascual ng Parañaque PNP ang angulong ito? Ang ibig sabihin nito mga mambabasa, baka kasi si Cabanban ay nagpakalbo para madaling malaman ng mga hitmen na pumaslang kay Campos kung sino si Cabanban at si Campos, ganu’t nakatalikod silang dalawa. Si Cabanban yung kalbo. Maliwanag ba? Sing liwanag ng kinang ng kalbo niyang ulo.

Bilang pagtatapos, lumabas sa SWS Survey na sumasadsad na naman ang popularidad ni Pres. GMA. Ibang tao ay nagsasabing hindi matatapos ang termino ni Pres. Gloria. Sino sa palagay ninyo mga kaibigan ang humihilang pababa sa performance rating ni GMA.

Maaaring i-text ang inyong mga reaksyon sa mga binanggit kong isyu sa 09179904918. Di kaya, tumawag po kayo sa CALVENTO FILES, 7788442.

ANO CHOLY CABANBAN

ANTONIO CABANBAN

CABANBAN

CHIEF SUPERINTENDENT REYNALDO BERROYA

CHIEF SUPT

ERNEST ESCALLER

ESCALLER

KUNG

PARA

PING LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with