Sa Classmate KTV libre sa toma at tsibug ang PNP officials pero...
December 18, 2002 | 12:00am
Untouchable talaga! Yan ang matatawag natin mga suki sa Classmate KTV sa Quezon city bunga sa walang unit halos ng pulisya ang gumalaw para ipasara ang establisimiyento na pinagsuspetsahang front lamang ng prostitution. Pati ang paghahamon natin kay PNP chief Director General Hermogenes Ebdane Jr., na bigyan ng award ang mga unit ng pulisya na sasalakay sa Classmate KTV ay hindi rin pinatulan. Ibig bang sabihin niyan mga suki, wala nang unit sa pulisya natin na dapat gawaran ng award dahil sa trabaho? Ano ba yan?
Kung mababa ang pagtingin ng sambayanan sa pulisya natin, ang mga opisyales din ng PNP ang may kasalanan. Kasi nga halos kaliwat kanan ang raid na isinasagawa ng mga tauhan ni CIDG chief Gen. Eduardo Matillano sa mga bahay-aliwan na front ng prostitution subalit kung ang Classmate KTV sa Quezon Blvd., ang pag-uusapan nagbubulag-bulagan sila. Ibig sabihin ba niyan ang mga maliliit lang ang kaya nilang sagasaan, di ba mga suki? May pagbabago ba sa pulisya natin?
Kung sabagay, hindi naman kaila sa sambayanan na itong Classmate KTV ay pinamumugaran ng mga opisyales ng pulisya natin lalo na yaong taga-CIDG at iba pang mga unit na may asim sa Camp Crame. Biro mo ba naman, libre sila sa inumin sa puwesto ni Leo Ting at ang babayaran lang ay ang P2,000 kapag gusto nilang mag-firing. Eh marami naman talaga sa mga opisyal ng pulisya natin ay mahilig mag-firing lalo na kapag mga estudyante ang kanilang live target, di ba mga suki?
Ang masaklap pa, mukhang hindi lang sa Crame nakatimbre itong si Leo Ting kundi pati sa mga opisina nina Interior Secretary Joey Lina at Dep. Dir. Gen. Reynaldo Velasco, ang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Kasi nga nagbingi-bingihan din itong sina Lina at Velasco ukol sa Classmate KTV kayat ang lahat ng programa nila ukol sa lewd shows at prostitution ay nauwi rin sa wala. Tahimik sila kapag Classmate KTV ang pag-uusapan pero matapang silang magsalita kung maliliit na lewd shows o kasa lang ang tatamaan. He-he-he! Mahilig sa moro-moro. Ibalik si Erap!
Wala naman akong away dito kay Leo Ting, kaya lang nagtataka tayo na kahit usap-usapan na sa lahat ng sulok ng Metro Manila ang firing sa puwesto niya eh walang kumilos para ipahinto ang operation niya. Kaya untouchable nga, di ba mga suki? Pero hindi pa huli ang lahat, di ba?
Kasi nga kapag sinalakay ng pulisya natin ang Classmate KTV, ibig sabihin niyan mga suki, may kalalagyan din ang iba pang mga pinagsuspetsahang front din ng prostitution na mga establisimiyento tulad ng Sky Trek sa Parañaque City; Pharaoh, sa Makati City; Legende, Heartbeat, Pegasus, Lexus at Mystique sa Quezon City; Miss Universal at Infiniti sa Pasay City at Genie sa Cainta, Rizal at iba pa. Kailangan pa bang si President Arroyo na mismo ang magtaray para kumilos ang ating pulisya laban sa mga malalaking sindikato ng prostitution?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest