^

PSN Opinyon

Para sa kaalaman ng mga miyembro ng KABATAS

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
UPDATE: SANGKATERBANG mga text messages ang natanggap ng aming TV department ang ‘‘BITAG", matapos namin maipalabas nitong nakaraang Sabado sa ABC-5 ang segment na may pamagat. ‘‘KABATAS".

Walang patid ang pasok ng mga text messages at mga tawag sa aming landline, nagbibigay ng mga tips mula sa Batangas, Cavite, Bulacan at sa Metro Manila.

Karamihan dito ay mga kapitbahay daw nila na gumagamit ng ipinagbabawal na KABATAS car plate at binibigay na sa amin ang kanilang mga address kung saan sila matatagpuan at ang kanilang plate number.

Marami rin kaming mga natanggap na tawag sa telepono mula sa mga traffic enforcers at ilan sa pulis nung gabi ng Sabado, isang oras lang matapos ang programa ng BITAG.
* * *
Nitong nakaraang Biyernes, marami ang mga tumawag na mga miyembro ng KABATAS at personal akong nakausap sa telepono. Pinagdududahan ang aking nailabas na serye tungkol sa ilegal na paggamit ng KABATAS car plate.

Nakipagtalo pa ang mga hunghang. Hindi sila naniniwala na ‘‘sinuka’’ sila ni General Rogelio Pureza na ipinangangalandakan nila na nakapirma sa kanilang ID. Inilabas namin ito nitong nakaraang Sabado sa BITAG.

Pati si Press Undersecretary Bobby Capco ng Malacañang, nagsalita sa harap ng aming camera. Tinawag niyang ‘‘sindikato’’ ang grupong nasa likod ng KABATAS.

Nabahala si Capco nung malaman niyang pinangangalandakan ng ilang miyembro ng KABATAS na nasa ‘‘loob’’ daw mismo ng Malacañang ang headquarters nila.

Ang sagot ni Capco, ‘‘we will help (BITAG) in your investigation (about this syndicate.)’’

Dagdag pa ni Capco, posible daw kasing magamit ng mga masasamang loob o mga terorista ang nasabing organisasyon (KABATAS) sa pamamagitan ng kanilang plaka na makapasok at makalabas ng Malacañang compound.

Kayong mga nagdududang miyembro ng KABATAS na matigas pa ang ulo sa bato, sige ituloy n’yo lang kahit na mismo ang inyong pangulong si Bennie Lim nanawagan na sa inyo na baklasin n’yo na ang inyong mga ilegal na plaka sa program mismo namin sa BITAG.
* * *
Para sa mga tips, reklamo’t sumbong, tumawag o mag-text sa mga numerong ito: (0918)9346417 at telepono 932-5310/9328919. Makinig sa DZME 1530 kHZ, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. Panoorin ang ‘‘BITAG’‘ tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon, ABC-5.

E-mail us: [email protected] or [email protected]

BENNIE LIM

BIYERNES

CAPCO

GENERAL ROGELIO PUREZA

KABATAS

MALACA

METRO MANILA

SABADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with