NBI: Wala kaming paki sa 'Nida'
December 13, 2002 | 12:00am
MATATANDAAN na nung nakaraang linggo, tinalakay dito sa ating column ang tungkol sa pagpaslang kay Nida Blanca, Dorothy Jones sa tunay na buhay. Ang kanyang bangkay ay natagpuan na nakahandusay sa loob ng kanyang kotse sa parking lot ng Atlanta Center Building.
Tinanong ko rin "kung bakit hindi naisali sa demanda ang mga may-ari ng gusali?" Mahigit sa 100 text messages galing sa inyo, mga mambabasa ng CALVENTO FILES ang nagbigay ng kanilang reaksyon. Ang hatol, dapat isali ang may-ari ng Atlanta Center at dapat managot ang mga may-ari nito.
Nagkaroon ng pagkakataon ang inyong lingkod na makausap ang pinuno ng NBI sa National Capital Region, si Regional Director Edmund Arugay, isang abogado, at tahasang sinabi niya na ang pananagutan ng Atlanta Center at ang mga may-ari ay sa aspetong SIBIL lamang. (Sibil daw o?)
Upang magkaroon naman ng pormalidad, nag-fax si RD Arugay ng kanilang sagot.
Sa ngalan ng balansyado at walang kinakatigang pamamahayag, na ating sinusunod mula pa nung nagsimula tayo sa pagsusulat, inilalathala ko nang buo ang sagot ng NBI-NCR para inyong mabasa.
G. Tony Calvento
CALVENTO FILES
Pilipino Star Ngayon
Ang ginawang imbestigasyon ng NBI ay hindi pa tapos ng lubusan. Bagamat may sinampahan na ng kasong MURDER, meron pa ring mga salarin na ang mga buong pagka-tao ay hindi pa lubusang nalalaman kung kayat ang NBI ay hindi pa tumigil at hindi pa itinuring na tapos na ang kaso ng pagkamatay ni NIDA BLANCA.
Ang NBI ay magpapatuloy ng pagkalap ng ebidensiya at pakikipag-usap sa sino mang gustong magbigay ng impormasyon na maaaring makatulong sa lubos na pag-lutas nito.
Kung meron mang mga taong may kinalaman o may pagkakasala sa kasong ito na hindi pa nasasampahan ng kaukulang kasong kriminal, ay hindi nangangahulugan na siya o sila ay pinapa-walang sala. Ang hinahanap ng NBI ay sapat na ebidensiya laban sa sino mang may kinalaman at ang NBI ay hindi mag-aatubili na magsampa ng kasong kriminal laban kanino man. Sapat na ebidensiya ang kailangan.
Dapat malaman ng lahat na kung may mga taong dapat managot tungkol sa kasong ito sa punto ng pananagutang sibil, ang NBI ay hindi makikialam dito. Ang karapatan ng pagsampa ng kasong sibil ay nasa mga kamay ng pamilya ni NIDA BLANCA.
National Bureau of Investigation,National Capital Region
Ayan, mga mambabasa ng CALVENTO FILES.
Nagsalita ang NBI-NCR. Kasong SIBIL daw at hindi kriminal ang pananagutan ng mga may-ari ng Atlanta Center Building. Pero bakit alumpihit pa tayo sa sinabi ni RD Arugay? Tanong ko kasi, bakit ang mga may-ari ng Laoag Airlines, o Ozone disco, o mga bus na nahuhulog sa bangin na may namamatay at nasusugatan, sinasampahan ng kasong HOMICIDE THRU NEGLIGENCE. Ito bang kasong ito ay kriminal o sibil? Dapat daw ang pamilya ni Nida Blanca, si Kaye Torres na yun, ang magsampa ng kaso at hindi makikialam ang NBI dito. Anong opinyon mo, Atty. Harriet Demetriou, isang magaling na abogado? Dating Huwes at pinuno ng Comelec. Si Atty. Demetriou ang tumutulong sa pamilya ni Nida Blanca. Dapat ba kayo ang magsampa ng kasong sibil.
Hindi naman pera ang habol ng pamilya ni Ms Blanca kundi katarungan. Gaano ba yung isampa ng NBI ang kasong kriminal laban sa may-ari ng Atlanta Building at pabayaan ang ating hukuman o ang piskalya kung itoy idi-dismiss at ipapasa sa Municipal Trial Court without prejudice to filing a civil case later on by the petitioner. Bakit dinisisyunan agad ng NBI ang aspetong ito. Bakit nga ba mga kaibigan? Sang-ayon ba kayo sa sagot ng NBI? Pakinggan natin ang matalinong reaksyon ng ating mambabasa at ating namang ilathala para hindi lang ako ang nagbibigay ng opinyon.
I-text nyo sa 09179904918 o di kaya, tumawag kayo sa 7788442 (mula alas diyes ng umaga hanggang ala una ng hapon lamang).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am