Hindi napatunayan ang pagkatao
December 12, 2002 | 12:00am
MULA pagkabata, nakatira na si Inez, 21-anyos, sa poder ni Berto delos Santos. Ang ari-arian ay nakatitulo sa pangalan ni Berto delos Santos, 1/3 ang pag-aari niya at ang 2/3 na bahagi ay sa dalawa niyang kapatid, sina Narcisa at Luisa. Naging mangmang at mahirap sina Narcisa at Luisa dahil nagsakripisyo sa pag-aaral ni Berto. Hindi na nila pinarehistro ang kanilang karapatan sa lupa kahit na iginawad ng Korte ang 2/3 na pag-aari nila rito.
Nang mamatay si Berto, nagpatuloy si Inez na manirahan sa nasabing lupa kahit na may pagtutol sina Narcisa at Luisa. Sa kabila nito, nagawa pa ni Inez na ilipat ang ari-arian sa kanyang pangalan sa bisa ng isang kasulatan ng bilihan na ginawa ni Berto walong taon na ang nakalipas at apat na taon bago siya pumanaw.
Kaya, nagsampa ng kaso sina Narcisa at Luisa laban kay Inez para mabawi ang titulo, pag-aari at pamumusisyon ng kanilang 2/3 na bahagi pati na ang 1/3 nito. Ayon sa kanila, sila raw ang may karapatan sa naiwang propyedad dahil sila ang natitirang tagapagmana ng kanilang namatay na kapatid kung saan wala itong iniwang testamento. Iginiit pa nila na si Inez ay walang karapatan sa propyedad dahil hindi siya anak ni Berto at ang nasabing pagbili niya rito ay isang palsipikasyon.
Sa kabilang banda, inihayag ni Inez na ang tunay niyang pangalan ay Inez delos Santos at hindi Inez de Leon. Hindi raw niya kilala si Inez de Leon bagkus anak daw siya ni Berto. Ipinakita niya ang sertipiko ng binyag kung saan nakasulat dito na sina Berto delos Santos at Ester Cardenas ang kanyang magulang. Inilabas din niya ang ITR ni Berto kung saan siya ay nakalagay bilang anak nito. At ang nasabi raw na bilihan ay isang donasyon sa kanya bilang anak ni Berto.
Sinalungat nina Narcisa at Luisa ang mga argumento ni Inez. Iprinisinta nila ang birth certificate ni Inez de Leon kung saan siya ay anak nina Lopez de Leon at Caridad Cardenas. Si Lope de Leon din ang nagtala rito at nagsumite sa Civil Registrar. Pareho rin ang kapanganakan ni Inez de Leon kay Inez.
Ipinilit ni Inez na siya si Inez delos Santos at ang pangalang ito ang ginagamit niya mula pa pagkabata at wala raw siyang kilalang Caridad Cardenas. Subalit sa huli, inamin niya na si Caridad ay kapatid ng kanyang inang si Ester. Hiniling ng Korte na ipakita niya ang birth certificate bilang Inez delos Santos subalit hindi niya nagawa. May karapatan ba si Inez sa 1/3 bahagi ng propyedad ni Berto?
Wala. Pinatunayan ni Inez ang kanyang relasyon kay Berto batay sa baptismal certificate sa halip na birth certificate. Ang baptismal certificate ay isa lamang patunay ng sakramentong ito at hindi isang ebidensiya ng mga nakatala rito patungkol sa pagkatao ng bininyagan. Ang mga nakatala rin sa ITR ni Berto ay nagpapakita lamang na nabayaran na ni Berto ang kanyang buwis.
At dahil hindi nagawang ipakita ni Inez ang birth certificate bilang anak nina Berto delos Santos at Ester Cardenas, may pag-aalinlangan sa pagkakaroon nito. Hindi rin siya mabibilang sa angkan ng mga delos Santos dahil lamang sa paggamit niya ng apelyidong ito. At dahil hindi napatunayan ni Inez na anak siya ni Berto, wala siyang karapatang magmana. Ang nasabing kasulatan ng bilihan, kahit na tunay, ay hindi maaaring maging isang donasyon dahil wala itong elemento ng pagtanggap ng pinagkalooban. (Labagala vs. Santiago G.R. No. 132305 December 4, 2001)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended