^

PSN Opinyon

Police general minura ang caddy nang matalo sa golf

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang mainitin ang ulo ng isang general kapag natatalo sa golf?

Ayon sa aking bubuwit, 15 days na lang at Pasko na.

Happy birthday muna kay Ms. Ana Limbo, Rodrigo Bebing, Rissa Carlos, Gener Villanueva ng DZRH; Joy ‘‘Maui’’ Evangelista at Dr. Ildefonso Chan.
* * *
Alam n’yo bang mainitin ang ulo ng isang general kapag natatalo sa golf?

Ayon sa aking bubuwit, noong nakaraang Sabado, Dec. 7, 2002, dakong 4:30 p.m. sa Camp Aguinaldo Golf Course ay nagalit ang isang general.

Mabuti na lang at hindi siya kasali sa golf tournament ng ‘‘PUTT FOR A CAUSE’’ ng Zamboanga Disaster Relief Foundation, Inc.

Itong grupo ni Mr. General ay sumunod sa flight ng mga kalahok sa tournament.

Dahil amateur itong kanilang sinusundan, medyo mabagal siyempre, aba nagalit ba naman ang tarantadong heneral.

Pero, sa halip na magalit doon sa kanilang sinusundang flight, ang pinagalitan at minura ba naman ay isang caddy.
* * *
Mr. General sa susunod kung ganyang pikon ka pala, lumipat ka ng sport.

Mag-boxing ka na lang! Ang yabang-yabang mo. Caddy lang ang kaya mong murahin.

Bakit hindi mo minura yung mga golfers sa sinundan ninyong flight?

At kung talagang matapang kang general ka, pumunta ka sa Basilan at sumagupa sa Abu Sayyaf.

Ang yabang mo!

Siguro masama ang kanyang laro at natalo noong Sabado kaya napaka-init ng ulo.

Magkano ba ang natalo sa iyo. Mga general din at isang businessman ang ka-flight nito sa golf eh.

Ayon sa aking bubuwit, ang general na galit-na-galit at minura ang isang caddy sa Camp Aguinaldo Golf Course ay walang iba kundi si…

Siya ay si Police General F. as in Fox Hole.

vuukle comment

ABU SAYYAF

AYON

CAMP AGUINALDO GOLF COURSE

DR. ILDEFONSO CHAN

FOX HOLE

GENER VILLANUEVA

GENERAL

MR. GENERAL

MS. ANA LIMBO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with