Huwad na bilihan ng lupa
December 5, 2002 | 12:00am
KASO ito ni Alma, ang lehitimong anak nina Ambo at Lilia. Kahit kasal kay Lilia, nakisama pa rin si Ambo kay Mila, may-asawa rin at may anak na babae, si Rosie. Anim ang naging anak nina Ambo at Mila, isa rito si Dely.
Nagmamay-ari si Ambo ng dalawang pamahayang lupain na may titulong T-32740 at T-117160. Nang mabalo si Ambo kay Lilia, gumawa siya ng isang Kasulatan sa Ganap na Bilihan kung saan ipinagbili niya ang dalawang lupain kina Rosie at Dely lingid sa kaalaman ni Alma. Inisyuhan ng titulo sina Rosie at Dely. Si Rosie ay nangangasiwa ng isang kantina at kahera sa isang night club kasabay ng negosyo sa pagbili at pagtinda ng RTW. Si Dely naman ay isang tindera ng goto sa palengke kung saan kumikita siya ng P300 sa isang araw.
Makalipas ang pitong taon mula nang bilihan, nanghina at naospital na si Ambo. Ipinagtapat niya kay Alma na ang dalawang lupain ay nakatitulo na sa pangalan nina Rosie at Dely.
Namatay si Ambo at nakumpirma ni Alma na naipagbili ng kanyang ama ang nasabing lupain.
Nagsampa ng kaso si Alma laban kina Rosie at Dely para ipawalambisa ang bilihan pati na rin ang bayad-pinsala. Iginiit niyang isang pagkukunwari at palsipikasyon ang Kasulatan sa Ganap na Bilihan. Kumuha siya ng isang kaibigang testigo para magsabing walang sapat na kabuhayan sina Rosie at Dely para makabili ng lupa. Itinanggi nina Rosie at Dely ang alegasyon ni Alma. Ayon kay Rosie, nagbayad siya ng P10,000 mula sa kanyang negosyo kung saan nakaipon siya ng P9,000 sa loob ng tatlong taon at P50 bawat araw sa night club. Binili naman ni Dely ang lupa sa halagang P15,000. Tama ba sina Rosie at Dely?
Mali. Ayon sa Korte Suprema.
Ang testimonya nina Rosie at Dely ay hindi kapani-paniwala. Hindi napatunayan na makakaipon si Rosie ng P10,000 mula sa kanyang negosyo at P15,000 si Dely mula sa pagtitinda ng goto. Salungat din ang testimonya kung nagkaroon ng dahilan o katumbas sa bilihan. Wala ring tumestigo sa resibo ng halaga sa nasabing bilihan. Sapagkat walang dahilan o katumbas ang bilihan ng lupa, isa itong pagkukunwari kaya wala itong bisa. (Francisco et. al. vs. Alfonso G.R. No. 138774 March 8, 2001)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest