^

PSN Opinyon

Sa Classmate, pagpasok ng estudyante sa cubicle ay wala nang panty

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MAY tip ako sa mga misis na ang mga mister na opisyal ng pulisya natin ay mahilig mag-firing diyan sa Classmate nightclub sa Quezon City. Kung ang mga sasakyan ng inyong mister ay wala sa parking lot ng Classmate na pag-aari ni Leo Ting, hindi ito nangangahulugan na wala sila sa loob ng establisimiyento. May posibilidad na napaglalalangan lang kayo mga misis.

Kasi nga para hindi sila mahalata ng kani-kanilang mga misis, ang ginagawa pala ng mga opisyales ng ating pulisya na parukyano ni Ting ay nagpaparada sila ng kanilang sasakyan sa Wendy’s food chain o 7-11 convenience store diyan sa kahabaan ng Quezon Blvd. Siyempre kapag nakita ng kanilang mga misis ang kanilang sasakyan na nakaparada sa dalawang establisimiyento, ang buong akala nila ay bumibili lamang ng meryenda ang mga ito. Ang hindi alam ni misis ay ibang putahe ang minimeryenda ng kanilang pulis na mister. Tama ba ako rito, mga suki?

Ayon sa mga pulis na nakausap ko, isa ito sa mga paraan ng mga opisyales ng PNP para maiwasan nilang maiskandalo sa loob mismo ng Classmate. Kasi nga kapag nagpang-abot sila ng kanilang mga misis doon, siguradong mapapahiya ang mga opisyales ng pulisya natin at mapuputol na nga ang kanilang kaligayahan. He-he-he! Talagang aabutin n’yo ang kamalasang ’yan kapag hindi n’yo tinigilang mag-firing.

Sa Classmate kasi, sa halagang P2,000 na pabaon sa mga estudyante roon ay puwede nang mag-firing hindi lang mga opisyales ng PNP nilang kustomer kundi maging iba pa nilang parukyano. Ang gagawin mo lang ay ituturo mo ang ’yong target sa isang showroom roon, aabutan mo ang kabayaran kay Ting at presto… sa pagbalik sa ’yo ng estudyante mo ay puwede ka nang mag-firing. Sinabi ng mga pulis, na kapag pumasok na sa cubicle mo ang mga estudyante wala na itong panty o handa na siyang maging target. Live target pala ang pinag-uusapan dito, di ba mga suki?

Kung sabagay, maraming beses na nating ibinubulgar itong Classmate pero hanggang sa ngayon ay wala pang unit na ating pulisya ang may bayag para salakayin ito. Malapit lang ang Classmate sa opisina nina Interior Secretary Joey Lina at Metro Manila police chief Dep. Dir. Gen. Reynaldo Velasco. Kung si Ting ang paniniwalaan, may parating siya sa opisina nina Lina at Velasco. Ano ba ’yan? Maging ang CIDG sa pamumuno ni Chief Supt. Eduardo Matillano, ay inutil din kung ang Classmate ang pag-uusapan. Paano naman kasi, namantikaan na ang kanilang mga nguso ni Ting, anang mga pulis. Baka ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) may magagawa para mapasara itong ilegal na negosyo ni Ting. He-he-he! Desperado na talaga no, mga suki?

Iminumungkahi ko kay PNP chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr., na gawaran niya ng kaukulang award ang anumang unit ng pulisya na sumalakay sa Classmate dahil maliwanag na front lamang ito ng prostitution. Bakit ba ang mga maliliit na mga beerhouses ay halos araw-araw na niri-raid ng ating pulisya subalit itong Classmate ni Ting ay hindi nila matinag-tinag ha? May double standard talaga ang pulisya natin, ’no mga suki?

vuukle comment

CHIEF SUPT

CLASSMATE

EDUARDO MATILLANO

HERMOGENES EBDANE JR.

INTERIOR SECRETARY JOEY LINA

KANILANG

KASI

LEO TING

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with