Walang may bayag sa PNP para salakayin ang Classmate
November 22, 2002 | 12:00am
KUNG ang mga pulis ang tatanungin, sasabihin nilang mukhang natatakot sa sariling anino ang administrasyon ni Presidente Arroyo nang ipatapon nila sa Mindanao at malayong probinsiya ang mga dating tauhan ni Sen. Ping Lacson. May mahigit 200 dating miyembro ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) sa ilalim ni Sir Ping noon ang naisyuhan ng order kamakailan. Kung ang mga PAOCTF ang tatanungin, itinuturo nila si First Gentleman Mike Arroyo ang nasa likod ng kanilang kalbaryo. Kaya nagngingitngit silang lahat pati ang kani-kanilang pamilya kay Mike.
Uulitin ko, dapat sigurong wag nang haluan ng pulitika ang pulisya natin para tumining ang takbo, di ba mga suki? Tama na ang benggahan.
At hindi lang iyan. Pati pala sa hanay ng kolektor ng intelihensiya at namamahala ng kalakaran ay may pagbabago rin at ang mga markadong bata ni Ping ay nalapnos. Ang isa sa naging biktima ay si Allan Manuela, ang nasa likod ng entertainment ng mga opisyales ng pulisya natin. Natapon din si Manuela sa probinsiya. Ayon sa mga pulis na nakausap ko, ang pumalit kay Manuela ay ang isang mabagsik na si Ronnel Tuazon. Itong si Tuazon pala, anila, ang nagsisilbing guide ngayon ng mga opisyal ng PNP kapag gusto nilang mag-firing sa Classmate ni Leo Ting. Ang Classmate nightclub na matatagpuan sa Quezon Blvd., sa Quezon City ay may kakaibang firing at P2,000 nga ang bayad. Wala pa kayang nabuking ang mga misis ng mga opisyales ng PNP natin?
Bukambibig ngayon ni Ting itong si Tuazon. At yan ang dahilan mga suki kung bakit walang nagpakita ng bayag sa mga unit ng PNP natin na salakayin itong Classmate at kaladkarin ang mga estudyante roon sa akusadong sangkot sila sa prostitution. Kaibigan din umano ni Ting si Supt. Estanislao, ang hepe ng Task Force Jericho ni Interior Secretary Joey Lina.
Nabanggit ko na rin lang si Secretary Lina, siguro dapat ding tanungin natin siya kung ano talaga ang tunay na sitwasyon ng jueteng campaign niya. Kasi wala akong namonitor sa diyaryo na may nangyayaring raid sa jueteng maliban sa ginagawa ng taga-CIDO ng CIDG sa pamumuno ni Supt. Manuel Pinera. Masisipag ang mga bata ni Pinera at sa katunayan nagbuo pa ito ng dalawang unit ang SOG at SAT para lalong pag-ibayuhin ang kampanya ng PNP laban sa jueteng at iba pang illegal na sugal. Dapat lang sigurong i-promote ni Lina si Pinera dahil halos siya na lang ang natitirang malinis sa hanay ng PNP natin, di ba mga suki? Sana hindi ningas-cogon ang kampanya niya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest