^

PSN Opinyon

Sundalo isabak sa illegal loggers

- Jarius Bondoc -
SUMULAT ang isang OFW tungkol sa kolum ko sa pagkalbo ng gubat sa La Mesa Dam. Aniya, puwede sa gubat ipa-training ang bagong Army recruits. Sa gan’ung paraan, mababantayan na rin nila ang mga puno at mapapalayas ang illegal loggers.

Magandang ideya ito. Sa US, tungkulin ng Army na magtanim ng puno, di lang sa forests kundi pati sa siyudad. Kaya katangi-tangi ang Presidio camp sa San Francisco ay dahil sa nagtataasang pine trees na alaga ng Army. Ibinenta ang camp nu’ng 1990s at ginawang subdivision. Isa sa pinaka-mahal na lote sa Frisco ang Presidio, dahil sa gubat.

Sinubok ito sa Pilipinas ni dating Defense Secretary Orly Mercado. Isang masugid na environmentalist, pinagtanim niya ng puno bawat sundalo. Nang tumindi ang illegal logging sa Mindanao, isinabak niya ang Sandatahang Lakas imbes na hintaying kumilos ang Department of Environment and Natural Resources. Sayang, hindi ito tinuloy ng kapalit ni Mercado. Sana isabak ang Navy hindi lang laban sa Chinese poachers kundi sa dynamite fishers na Pinoy din. At ang Air Force, puwede isabak kontra sa mga pabrikang dumudumi sa himpapawid.

Magandang ideya rin na pagtanimin ang mga pulis sa bakanteng 12 ektarya sa Camp Bagong Diwa, Taguig. Magkaka-sideline nang legal ang magpapalaki ng gulay at prutas, isda at manok. Mailalayo sa tukso ng pangingikil. Mailalapit sa buhay-pulis sa probinsiya, na karaniwan ay may maliit na palayan o tindahan.

At bakit nga ba hindi pinagtatanim ang mga bilanggo sa Bilibid Prison? Magandang eksperimento ang Iwahig Penal Colony sa Palawan. Hindi sila naka-rehas. Pinagtatanim ng palay at gulay sa malawak na lupain. Walang riot doon. Bihira ang tumatakas. Karamihan dinala na ang pamilya sa Iwahig para magsimula ng bago’t tahimik na buhay.

May kakaibang epekto ang pagtatanim sa isip ng tao. Nakikita niya ang kahalagahan ng pagtrabaho. Nagagalak siya sa paglaki ng aanihin at pagsibol ng binhi. Pinahahalagahan niya ang buhay at ari-arian ng iba.

AIR FORCE

BILIBID PRISON

CAMP BAGONG DIWA

DEFENSE SECRETARY ORLY MERCADO

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

IWAHIG PENAL COLONY

LA MESA DAM

MAGANDANG

SAN FRANCISCO

SANDATAHANG LAKAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with