^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Iligtas ang mga babaing hostage ng Sayyaf

-
MAGANDANG mapakinggan na nadakip ng mga awtoridad ang suspected Abu Sayyaf bomber na si Adulmukim Edris. Si Edris, 30, ay nadakip ng Philippine National Police (PNP) malapit sa Villamor Airbase noong nakaraang linggo. Sinabi ni Edris na 20 miyembro ng Sayyaf ang magsasagawa ng pambobomba dito sa Metro Manila. Bobombahin nila ang Tektite Towers kung saan naroon ang Philippine Stock Exhange, ang Robinsons Galleria, EDSA Shrine, Shoemart shopping centers at ang Sunshine mall sa Taguig. Gagamit umano sila ng truck bomb para pasabugin ang EDSA-Ortigas interchange.

Tagumpay ang mga awtoridad sa pagkakadakip kay Edris at napigilan ang paghahasik ng lagim dito sa Metro Manila. Hindi na mauulit ang pangyayari noong Dec. 30, 2000 bombings na maraming buhay ang nasayang. Binomba ang LRT sa Blumentritt station, bus sa EDSA, at ang NAIA at ang malapit sa US Embassy.

Habang nagdiriwang sa tagumpay ng pagkakadakip kay Edris, marami rin naman ang sumisigaw na iligtas ang apat na babaing hostages ng Abu Sayyaf sa Jolo. Ang apat ay sina Emily Mantic, Norie Bendijo, at ang magkapatid na Cleofe at Flora Montulo. Dinukot sila ng mga bandido noong Aug. 20, 2002 habang nagtitinda ng Avon products sa Patikul. Ang apat ay mga miyembro ng Jehovah’s Witnesses. Ang dalawang kasamahan nila na kasamang kinidnap ay walang awang pinugutan ng ulo. Kinabukasan, August 21, nakita ang mga ulo sa palengke ng Jolo. Bukod sa apat na babae, hawak din ng mga bandido ang tatlong Indonesian sailors.

May apat na buwan na ang mga hostage sa kamay ng mga bandidong pinamumunuan ni Radulan Sahiron. Apat na buwan na silang nagtitiis ng hirap at pasakit. Umano’y humihingi ng P16 million ang mga bandido para palayain ang mga bihag. Kapag ibinigay daw ang kanilang kahilingan, matatapos na raw ang kidnappings sa Jolo at iba pang lugar sa Mindanao.

Sa himig ay nananakot pa ang mga bandido at sinusubukan ang pamahalaan. Dapat ipagpatuloy ng pamahalaan ang opensiba sa Abu Sayyaf. Kung nagawang madakip ang mga miyembrong magsasagawa ng pambobomba, magagawa rin nilang iligtas ang mga babaing hostage. Paano ba nailigtas si Gracia Burnham?

ABU SAYYAF

ADULMUKIM EDRIS

EDRIS

EMILY MANTIC

FLORA MONTULO

GRACIA BURNHAM

JOLO

METRO MANILA

NORIE BENDIJO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with