^

PSN Opinyon

Ano nang nangyari sa imbestigasyon kay Lacson?

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
MARAMI ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa tinatalakay ng Senado ang joint committee report tungkol sa imbestigasyon na ginawa ng Committee on Public Order, Blue Ribbon Committee at Defense Committee. Matagal nang tapos ang report subalit dumaan na ang mahabang panahon ay hindi pa rin nabibigyan ng kaukulang pansin ng mga senador.

Ang joint committee report ay nagtatakda sa Department of Justice upang magsagawa ng imbestigasyon sa posibleng pagkakasangkot ni Sen. Panfilo Lacson sa drug trafficking at sa kidnapping for ransom ng anim na Intsik at dollar salting. Matagal na dapat itong tinalakay ng mga senador noon pa mang second regular session datapwat muli na namang ipinagpaliban ito.

Ang Rules Committee na pinamumunuan ni Senate Majority Floor Leader Loren Legarda ang dapat na mag-schedule na masama sa agenda ang pagdedebate sa nasabing report. Subalit nag-alanganin si Legarda sapagkat ayaw niyang magkagulo na naman ang mga senador at maghati na muli ang senado na ngayon pa naman ay inaasahang haharapin ang marami pang mga pangunahing panukala.

Si Sen. Robert Barbers, chairman ng Committee on Public Order, ay handang iharap at ipagtanggol sa kanilang sesyon ang pagtalakay sa joint committee report. Binabale-wala naman ni Lacson ang magkakasamang report ng tatlong committee at sinabi nitong walang kakuwenta-kuwentang papel ito na paninira lamang sa kanyang pagkatao.

Sawang-sawa na ang taumbayan sa pananaig ng pulitika sa senado. Matagal nang inaantabayanan ng mamamayan ang kalalabasan ng imbestigasyon sa pagkakasangkot ni Lacson sa mga nasabing krimen. Ang katotohanan lamang ang nais malaman ng bayan. Mga senador, puwede ba, gumawa naman kayo ng kung ano ang makabubuti sa nakararami hindi ang para sa interes lamang ninyo o isa ninyong kasamahan.

ANG RULES COMMITTEE

BLUE RIBBON COMMITTEE

COMMITTEE

DEFENSE COMMITTEE

DEPARTMENT OF JUSTICE

LACSON

MATAGAL

PANFILO LACSON

PUBLIC ORDER

ROBERT BARBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with