Mayor Joey Marquez para sa'yo to!
October 21, 2002 | 12:00am
TARGET ng kolum na to si Parañaque City Mayor Joey Marquez. Layunin naming matuldukan ang kanyang kapabayaan sa mga kawawang nabibinging residente ng Merville Subdivision, Parañaque.
Ipatutupad lang nitong si Marquez ang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Air Transportation Office (ATO) at ng tatlong airline companies, Air Philippines, Cebu Pacific at Asian Spirit, hindi magawa-gawa nitong inutil na alkalde.
Ang nasabing MOA ay bilang solusyon sa reklamo ng mga residente ng Merville sa mapanganib na ingay ng mga eroplanong dumadaan sa kanilang himpapawid.
Nakasaad, na ang oras ng paglipad ay magsisimula lamang sa alas-10 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi. May kopya nito ang tanggapan ni Senator Joker Arroyo matapos ang senate hearing sa reklamong ito nitong nakaraang taon.
Nasaksihan ng aming TV investigative team ang walang pakundangang paglabag ng nabanggit na tatlong airline companies mula alas-5 hanggang alas-10 ng umaga, dalawang linggo na ang nakalilipas.
Malinaw ang pambabastardo ng ATO, Air Philippines, Cebu Pacific at Asian Spirit sa napagkasunduang MOA sa lungsod nitong "Flying high" na kenkoy na alkaldeng si Tsong.
Sa harapan ng aming camera sa programang "BITAG", mapapanood tuwing alas-5 hanggang alas-5:30 ng hapon sa ABC-5, nagsalita ang isa sa mga galit na galit na residente, tinawag niyang INUTIL si Marquez.
Ayon na rin sa tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), tungkulin ng local government ang pagmo- monitor ng ibat ibang uring noise pollution upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga residente nito.
Mayor Marquez, bago ka namin tuluyang balatan ng iyong tunay na anyo, kumilos ka na pronto! Huwag mo na kaming antayin pang hambalusin ka, bago ka tuluyang mapulbos.
Para sa inyong tips, reklamot sumbong tumawag sa mga numerong ito (0918) 9346417 at telepono 932-5310/932-8919.
Ipatutupad lang nitong si Marquez ang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Air Transportation Office (ATO) at ng tatlong airline companies, Air Philippines, Cebu Pacific at Asian Spirit, hindi magawa-gawa nitong inutil na alkalde.
Ang nasabing MOA ay bilang solusyon sa reklamo ng mga residente ng Merville sa mapanganib na ingay ng mga eroplanong dumadaan sa kanilang himpapawid.
Nakasaad, na ang oras ng paglipad ay magsisimula lamang sa alas-10 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi. May kopya nito ang tanggapan ni Senator Joker Arroyo matapos ang senate hearing sa reklamong ito nitong nakaraang taon.
Malinaw ang pambabastardo ng ATO, Air Philippines, Cebu Pacific at Asian Spirit sa napagkasunduang MOA sa lungsod nitong "Flying high" na kenkoy na alkaldeng si Tsong.
Sa harapan ng aming camera sa programang "BITAG", mapapanood tuwing alas-5 hanggang alas-5:30 ng hapon sa ABC-5, nagsalita ang isa sa mga galit na galit na residente, tinawag niyang INUTIL si Marquez.
Ayon na rin sa tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), tungkulin ng local government ang pagmo- monitor ng ibat ibang uring noise pollution upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga residente nito.
Mayor Marquez, bago ka namin tuluyang balatan ng iyong tunay na anyo, kumilos ka na pronto! Huwag mo na kaming antayin pang hambalusin ka, bago ka tuluyang mapulbos.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest