^

PSN Opinyon

Bentahan ng laman sa PADIS POINT Timog QC

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
WALA kaming pinipili at hindi kami namimili kung sino ang mga tatamaan. Malungkot ang buhay ng isang taong kilala lalo na’t kapag siya’y may pangalan sa industriyang ito.

Sumisikip ang mundong kanyang ginagalawan. Dahil yung mga taong nasa itaas ay kalimitang nagsisilbing mga pader o di naman kaya mga "tulay" upang mapagtakpan ang pawang katotohanan.

Mahalaga sa amin ang salitang RESPETO. Hindi namamana o basta’t ipinagkakaloob na lang kaninuman. Ito’y nakakamit ng mga taong karapat-dapat dahil sa RESULTA ng kanilang mga GAWA hindi NGAWA. Ito ang espiritu at prinsipyo ng kolum na ‘to.
* * *
Tutumbukin ko na. INUTIL ang ating pamahalaan kung isyu ng jueteng ang pag-uusapan. Alam ito ni SECRETARY JOEY LINA ng Department of Interior & Local Government (DILG), kaya huwag na siyang magmaang-maangan pa.

Malungkot sabihin na ang solusyon ng ating pamahalaan sa jueteng ay naka-sentro lamang sa epekto hindi sa dahilan ng problema. Hindi solusyon ang panghuhuli!

Alam ni Lina na malapit na ang 2004 elections. Marami siyang masasagasaan. Kaya laganap na naman ang jueteng kaliwa’t kanan harap at likuran, sa itaas at sa ibaba ng lokal at nasyunal.
* * *
Napatunayan namin sa aming surveillance/undercover team ang pagwawalang bahala ng pamunuan ng Padis Point Timog sa Quezon City na gawing tambayan ang kanilang establisimiyento ng mga batang pick-up girls (prosti).

Hindi pinapansin ng Padis Point Timog ang ganitong kalakaran ng bentahan ng laman. Ayaw nilang tumingin ng diretso habang nagkalat ang mga batang prosti sa loob mismo ng Padis.

Malaki ang ginampanang papel ng mga bugaw sa ibaba, harap mismo ng Padis Point pagdating ng alas-onse ng gabi hanggang madaling araw. Ito ang nilalaman ng aming surveillance camera na nagsisilbing dokumento laban sa Padis Point. Abangan!
* * *
Panoorin bukas at tuwing Sabado ang makabago’t kakaibang programang pang-telebisyon isang undercover/surveillance TV ang "BITAG" 5:00 hanggang 5:30 ng hapon, ABC-5. Para sa inyong tips, reklamo’t sumbong tumawag sa mga numerong ito (0918) 9346417 at telepono 932-5310/932-8919.

ALAM

DEPARTMENT OF INTERIOR

LOCAL GOVERNMENT

MALUNGKOT

PADIS POINT

PADIS POINT TIMOG

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with