Hindi dapat armasan ang mga MMDA traffic enforcer
September 21, 2002 | 12:00am
MARAMI ang natuwa nang italaga ni President Macapagal-Arroyo si dating Marikina Mayor Bayani Fernando bilang chairman ng Metro Manila Development Authority. Pinatunayan naman na hindi nagkamali si GMA sa pagkakapili sa kanya upang pamunuan ang MMDA. Pag-upo pa lamang ay bumira na kaagad si Bayani at ang isa na nga ay ang pagpapaalis ng mga illegal vendor sa mga sidewalk. Maraming vendors ang tumutol sa hakbang ni Bayani at tinutulungan naman sila ng ilang grupo ng mga professional activist groups at mga publikong gustong sumakay sa isyu para sumikat.
Subalit walang makapipigil kay Bayani sa kanyang ginagawang pagpapatupad sa batas kahit na ayon sa kanya ay may nagbabanta sa kanyang buhay at pamilya. Matigas at desidido si Bayani na harapin ang tungkuling sinumpaan niya na maiayos ang Metro Manila kahit na atubili at mukhang hindi taus-puso ang pagtulong sa kanya ng ilang mayors at mga opisyal na nasasakupan ng MMDA.
Ngayon ay may ideya si Bayani na armasan ng itak ang mga MMDA traffic enforcer. Sinabi ni Bayani na wala man lamang panlaban ang mga traffic enforcer sa mga masasamang elemento. Sinalungat naman ang balak ni Bayani ng karamihan sa ating mga kababayan. Baka raw lalong maging abusado ang mga traffic enforcer kapag inarmasan.
Pinagtatalunan pa ang pagbibigay ng armas sa mga taga-traffic enforcer. Para sa akin turuan na lang sila ng self-defense. Ipaubaya na lang sa mga pulis ang pagdadala ng armas. Tutal naman, di ba talaga namang may mga pulis na kasama ang mga traffic enforcer sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended