^

PSN Opinyon

Negosyo, alisin din sa sidewalks

SAPOL - Jarius Bondoc -
MALI ang akalang laban ng mayaman sa mahirap ang pagpapalayas ng vendors sa sidewalks. Hindi. Laban ito ng batas sa bawal, ng mayorya sa minoryang abusado. Kaya hindi lang vendors ang patatalsikin ni MMDA chairman Bayani Fernando sa sidewalks. Pati negosyanteng ginagawang extension at parking ang bangketa, babanatan din.

Ilang opisina’t restoran ang umaangkin sa sidewalks. May kadena pang nakaharang, at karatulang nagsasabing "reserved for clients only." Ilang banko rin ang ganyan. Tinututukan ng baril ang pumaparada sa slot para sa armored cars. Pati hardware stores gumagaya. Tinatambak sa bangketa ang graba’t buhangin. Meron ding tindahan na tinatayuan ng sign post ang daanan ng tao. Pinaka-abusado ang barangay officials na nagtayo ng community hall o tanod outpost o karatula ng pangalan nila sa gitna ng bangketa. Masamang ehemplo sila sa mamamayan.

Malinaw ang Highways Code. Ang kalye’t bangketa ay daanan ng lahat ng motorista’t pedestrian. Hindi puwedeng angkinin nino man sa negosyo o pansariling pakinabang, maliit man o malaki. Kaya dagdag pa ng Building Code, dapat naka-set back ang mga pader ng gusali at bakod ng bahay. Kung highway ay 6-9 meters; kung national road ay 3 meters; kung side road ay 1.5 meters. Katunayan, nasa likod ‘yan ng titulo ng lote. Saad din ng Anti-Squatting Law na ang gumamit ng kalsada o kalye ay mumultahan. Hindi puwedeng isingil sa gobyerno ang pagkalugi sa negosyo, o demolisyon at relokasyon.

Naging ugali na ng ilan ang pag-angkin sa sidewalks. Kasi ilang dekada nang pinababayaan ng local at national officials ang paglabag sa batas. May mayors pa nga na nagbibigay ng permits sa permanenteng pag-okupa ng sidewalks. Naniningil pa ng fees, kung hindi man suhol.

Pero hindi ibig sabihin ay legal na ang pag-angkin sa sidewalks. Ang mali ay mali, miski sino man ang gumawa kahit kailan.
* * *
Abangan: Sapol ni Jarius Bondoc, Sabado, 8-10 a.m., DWIZ (882-AM).

vuukle comment

ABANGAN

ANTI-SQUATTING LAW

BAYANI FERNANDO

BUILDING CODE

HIGHWAYS CODE

ILANG

JARIUS BONDOC

KAYA

PATI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with