^

PSN Opinyon

Editoryal - Nasaan na ang mga kinidnap ng Sayyaf ?

-
MARAMI ang nakaaalala sa malagim na pagwasak ng mga terorista sa World Trade Center noong nakaraang taon na pumatay nang maraming tao. Kabilang dito ang mga Pilipino. Subalit habang ginugunita ng mga Pinoy ang pagpapasabog ng mga terorista, wala naman yatang makaalala na may apat pang Pinay na hawak ng mga bandidong Abu Sayyaf. Nasaan na sina Norie Bendijo, Emily Mantic at ang magkapatid na Cleofe at Flor Montulo? Ang apat na pawang mga preacher ng Jehovah’s Witnesses ay kabilang sa walong dinukot noong August 20, 2002 sa Sulu.

Hanggang sa kasalukuyan, wala nang lumalabas na balita tungkol sa apat na bihag. Walang nakaaalam kung gumagawa ng hakbang ang military para ma-rescue ang apat na bihag. Maski ang gobyerno ay walang nababanggit kung ano ang gagawing pagliligtas sa mga bihag. Sabagay hindi naman kataka-taka, na maging mabilis ang pagliligtas sa mga bihag sapagkat maging ang mga dayuhang Amerikano na hinostage sa Dos Palmas ay mahigit isang taon bago nila napalaya sa kuko ng mga bandido. Malagim pa ang naging kinahantungan ng pag-rescue sapagkat napatay ang Amerikanong si Martin Burnham at ang Pinay nurse na si Ediborah Yap.

Nang unang mabalita ang muling pagdukot ng mga Abu Sayyaf, mabilis ang pagsasabi ng military na hindi ang mga bandido ang gumawa niyon. Anila’y mga addict daw dahil sa ginawang karumal-dumal na pagpugot sa dalawang bihag. Hindi kaya nila matanggap na buhay pa ang Abu Sayyaf makaraan nilang sabihin na "pilay" na ang mga ito. Napatay ng military si Abu Sabaya, at ito marahil ang kanilang ipinagmamalaki. Subalit dapat nilang malaman na buhay pa si Ghalib Andang alyas Kumander Robot at si Khadafy Janjalani. Ang ugat ay hindi pa nila napuputol.

May bago nang pinuno ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at nararapat lamang na gumawa siya ng hakbang para lubusang madurog ang Abu Sayyaf. Dapat siyang magtrabaho nang husto.

Buhay na buhay pa ang mga Abu Sayyaf taliwas sa sinasabing wala nang kakayahang maghasik ng lagim. Lipulin sila kagaya nang pagnanais ng lahat ng tao na madurog na ang terorismo sa mundo.

ABU SABAYA

ABU SAYYAF

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DOS PALMAS

EDIBORAH YAP

EMILY MANTIC

FLOR MONTULO

GHALIB ANDANG

KHADAFY JANJALANI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with