^

PSN Opinyon

Editoryal - Tax sa cellphone cards: Pasaning krus

-
WALANG ipinagkaiba sa dagundong nang sumabog na building sa New York City may isang taon na ang nakararaan, ang planong pagpapataw ng tax sa mga prepaid cell phone cards. Parang terrorist attack ang banat ng gobyerno na walang ibang maaapektuhan kundi ang taumbayan. Kapag nakapangyari ang pagpapataw ng tax, tiyak na ang iiyak ay ang taumbayang sawang-sawa na sa dami ng buwis na binabayaran. Lahat na lamang ng kakulangan sa buwis ay sa bulsa ng taumbayan kinukuha. Wala na bang ibang magagawang paraan ang gobyerno?

Nakapagtataka na sa bansang ito ay ang taumbayan ang pinagpapasan ng hirap. Sa halip na paluwagin ang buhay at iangat ay lalo pang inilulubog sa lusak ng hirap. Ang gobyerno ay hindi makagawa ng paraan kung paano makalilikom ng pera at tanging sa taumbayan iniaasa ang lahat. Nasaan na ang pangako na giginhawa ang buhay kung ganitong pati ang cell phone cards ay papatawan na rin ng tax. Gaano karaming mahihirap ang gumagamit ng cards sa kanilang cell phone? Kapag pinatawan na ng tax, paano pa makapagsi-cell phone na tanging pinakamurang paraan para makipag-komunikasyon? Pati ba naman ang gamit sa pakikipag-komunikasyon ay kukunan pa ng tax?

Ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ang nararapat pukpukin para magkaroon ng magandang koleksiyon ng buwis. Ang BIR ay talamak sa katiwalian kung kaya apektado ang paglikom ng buwis. Ang perang sana ay malilikom para sa kaban ng bansa ay napupunta sa mga corrupt. Ngayon lamang nangyari na lubhang napakababa ng koleksiyon ng BIR at naging dahilan para magbitiw si dating BIR Sec. Rene Bañez. Maraming gutom na buwaya sa BIR na umano’y isa sa mga pangunahing dahilan ng pagbibitiw ni Bañez. Balak magsagawa ng reporma si Bañez sa BIR subalit hindi na niya nagawa.

Kung ipagpapatuloy ng gobyerno ang balak na pagta-tax sa mga cell card, walang mangyayari sa pangako ni President Gloria Macapagal-Arroyo na maalwang buhay. Kung ang paghanap sa kakulangan ng pondo ay sa taumbayan pa rin kukunin, ano na ang naghihintay sa mahihirap. Wala at wala ring pag-unlad. Pagalawin sana ni Mrs. Arroyo ang kanyang mga tauhan para maresolba ang di-mapigilang budget deficit. Huwag ang taumbayan ang pagpasanin ng hirap. Tutukan ang BIR at ang Bureau of Customs na laganap ang katiwalian kaya walang maipakitang tulong sa pag-unlad ng bansang ito.

ANG BUREAU OF INTERNAL REVENUE

BALAK

BIR

BUREAU OF CUSTOMS

KAPAG

MRS. ARROYO

NEW YORK CITY

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

RENE BA

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with