Col. Romulo Sapitula ng WPD laging handa
September 6, 2002 | 12:00am
WESTERN Police District Command, walang kupas, maasahan sa lahat ng oras! Narito ang patunay mga suki.
Noong Agosto 30, 2002 isang ahente ng mga pahayagan na si Agripino Gaspar ang tumawag sa akin upang humingi ng tulong matapos na siya ay kalawitin ng mga halang ang bituka sa may Malibay, Pasay City.
Isinakay siya ng isang lalaki na nagpakilalang pulis ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Nang siya ay naisakay sa Kia Besta Van na may plakang WPA-343 sinabihan siya na kamukha mo ang isang suspek sa rape.
Agad siyang inutusan na hubarin ang kanyang mga alahas at ilagay sa isang brown envelope at maging ang kanyang perang P270,000 ay pilit na ipinalalagay at sinabihan pa siyang isulat mo ang lahat ng bagay na inilalagay mo sa loob ng envelope dahil mga matitino kaming mga pulis.
Matapos niyon nakaramdam si Gaspar na siya ay biktima ng hulidap o Ipit Gang kaya hindi na lamang siya pumalag dahil napansin niyang ang limang kaharap niya ay pawang may baril. Tanging matalim na titig lamang ang kanyang nagawa ng oras na iyon.
Nang sumapit sa may Rotonda bigla siyang pinagmumura ng isang katabi niya at sinabihang makulit ka palang kausap, sabay abot ng envelope na walang laman, at sabay sigaw bumaba ka na rito ang hirap mong kausap.
Hindi nawalan ng pag-asa si Gaspar. Bumaba siya ngunit nakuha niyang basahin ang plate number ng sasakyan at agad na tumawag sa akin. Matapos na matanggap ko ang kanyang tawag ay agad ko namang itinawag sa kaibigan kong si Supt. Romulo Sapitula, hepe ng WPD District Mobile Patrol Unit.
Agad namang inalerto ni Sapitula sa kanyang mga tauhan at ito ay masusing minanmanan sa buong Maynila. Nitong Lunes Setyembre 2, 1:30 ng hapon ay naispatan ng mobile car 302 sa Anda Circle ang sasakyan at kaagad na itinawag kay Sapitula na kasalukuyang nasa Manila Cathedral ng sandaling iyon.
Kaagad na hinabol ito hanggang sa may panulukan ng Beaterio St. likuran lamang ng San Agustin Church. Sa halip na huminto ay biglang nagpaputok ang mga sakay nito kaya napilitan na gumanti ng putok sina Sapitula at mga Special Weapon and Tactic (SWAT).
Namatay ang isang nagngangalang Gerardo Boluso Jr., ng Bacoor, Cavite at naaresto naman ang apat niyang kasamahan na nakilalang sina Michael Bautista ng Zapote; Ramil Zapra, ng Biñan, Laguna; Boyet Ramos, ng Sto. Niño Vill. San Pedro, Laguna at Joseph Indio ng Pag-asa, Las Piñas City. Nakatakas ang isa pa nilang kasama.
Matapos ang insidente agad kong tinawagan si Gaspar at agad namang dumating sa himpilan at positibong itinuro na ang mga ito nga ang kumuha ng kanyang pera at mga alahas. Pinasalamatan niya ang lahat ng mga pulis sa pamumuno ni Sapitula. Kahit hindi na niya nabawi ang perat alahas ay masaya si Gaspar sa pagkakahuli sa mga ito dahil naputol na rin ang makahayop na mga salarin.
Personal na nagtungo si President Gloria Macapagal-Arroyo sa WPD Headquarters kasama sina Manila Mayor Lito Atienza, PNP Chief Director General Hermogenes, Ebdane, NCRPO chief Deputy General Reynaldo Velasco at siyempre naroroon din si P/Sr. Supt. Pedro Bulaong ang bagong WPDC director. Iniharap ni President GMA sa mga mamamahayag ang mga nasakoteng halang ang bituka.
Iyan ang dapat tularan ng ating mga kapulisan. Maging handa sa lahat ng oras sa paglingkod sa mga mamamayan. Sa iyo Col. Sapitula mabuhay ka!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended