^

PSN Opinyon

Kailan makukuha ang savings sa Pag-IBIG?

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Sec. Mike Defensor,

Ako po ay dating active Pag-IBIG member mula pa noong 1984. Mahigit 15 taon na po akong miyembro ngunit hindi na ako nakapagbayad dahil sa pagsara ng aming kompanya. Nag-mature na po ang aking Provident FUND noong Agosto, 2002.

Sa kasalukuyan, mayroon akong housing loan sa Pag-IBIG. Nais ko po sanang malaman kung maaari kong ibayad sa aking monthly amortization ang kabuuan ng kontribusyon ko. – Ms. C. Alvarez


Maaaring makuha ng lahat ng miyembro ng Pag-IBIG ang kanilang Provident Savings pagkatapos ng 20 taong kontribusyon. Sa mga wala pang 240 monthly contributions, maaari po ninyong i-withdraw ang inyong mga `savings sa mga sumusunod na dahilan: Pagbitiw sa trabaho, pagsara ng kompanya, suspension at pagkakasakit.

Sa mga may kasalukuyang housing loan, maaari po ninyong ibayad ang inyong Provident Savings sa pamamagitan ng pag-fill-up ng application form sa tanggapan ng Claims Division, 1st Floor, Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City. Sa karagdagang impormasyon, maaari po kayong tumawag sa 811-4141.
* * *
Sa mga nagnanais na sumulat, maaari ninyong ipadala ang liham sa Office of the Chairman, 6th Floor, Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City. Pakisulat po kung gusto n’yo itong malathala sa kolum na ito.

AGOSTO

ATRIUM BLDG

CLAIMS DIVISION

DEAR SEC

MAKATI AVENUE

MAKATI CITY

MIKE DEFENSOR

MS. C

OFFICE OF THE CHAIRMAN

PAG

PROVIDENT SAVINGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with