Editoryal - Seryoso ba ang gobyerno sa drug syndicates?
September 2, 2002 | 12:00am
SINABI ni President Gloria Macapagal-Arroyo na 226 na drug syndicates ang nag-ooperate sa bansa. Sa bilang na ito, 215 ang local drug groups samantalang 11 ang international drug groups. Sa report pa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kay Mrs. Arroyo noong Sabado, sinabing ang mga sindikato ang kumukontrol sa may 15,204 na drug pushers at nambibiktima sa may 3,588 na barangay sa buong bansa. Ayon pa sa report may 3.4 milyong Pilipino ang sugapa na sa droga. Minomonitor na umano ng PDEA ang mga kilos ng sindikato. Gayunman, hindi nila sinabi ang pangalan ng mga sindikato.
Ang Pilipinas ay paborito ng mga drug syndicates para kalatan ng kanilang produkto. Paanoy narito sa bansang ito ang mga corrupt na official ng gobyerno, huwes na mukhang pera at mga pulis na matakaw pa sa buwaya. Halimbawang mahuli ang mga miyembro ng sindikato, pagagapangin lamang ang kapangyarihan ng pera para tapalan ang mga corrupt na opisyal. Tapos na ang problema. Gaano na ba karami ang mga nadakmang Chinese drug traffickers? Ang ilan sa kanila ay nasa kulungan subalit sino ba ang nakaaalam ng kanilang kalagayan doon. Maaaring buhay malaya rin sila dahil sa pera. Ang ibang nadadakma ay misteryoso pang nakalalabas sa kulungan at nakababalik sa bansang pinanggalingan.
Malaki ang perang kinikita sa illegal drugs. Ito ang dahilan kaya kahit mayor, governor, barangay chairman ay payag nang makulapulan ng shabu ang kanilang pinamumunuang bayan. Isang patunay si Mayor Ronnie Mitra ng Panukulan, Quezon na nahulihan ng talaksan ng shabu.
Si Mrs. Arroyo na ang nag-utos sa mga awtoridad, kasama ang National Bureau of Investigation (NBI) na hantingin na ang mga sindikato. Bakit kailangan pang iutos ni Mrs. Arroyo sa mga awtoridad na hantingin ang mga sindikato gayong trabaho naman nila talaga ito? Kung alam ng PDEA ang modus ope- randi ng 226 drug syndicates, bakit hindi pa nila dakmain ang mga ito. Durugin na nila. Ngayong ibinalita na nila, maaaring makatakas pa ang sindikato.
At halimbawang madakma ang mga sindikato at mahatulan ng kamatayan, hindi kaya mismong si Mrs. Arroyo ang magpaliban para hindi sila "maturukan". Noong nakaraang May ng taong ito, pinirmahan ni Mrs. Arroyo ng anti-drug law na ang sinumang mahulihan ng 10 grams ng shabu, coccaine at heroine ay papatawan ng parusang kamatayan.
Gaano nga ba kaseryoso ang gobyerno sa pakikipaglaban sa drug syndicates?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended