Sen. Leviste, Sec. Datumanong and Ombudsman, take note
August 27, 2002 | 12:00am
Himay-himayin natin ang mga anomalya!
Sina James Dean, hindi ito ang sikat na US artist kundi ito ang utak ng mga mandarambong sa nasabing bayan; Nelson Mabuhay, Oscar Mecaidodo at isang Agnes Gitara ang nagsabwatan umano para tirahin ang pitsang pondo para sa multi-million project ng DPWH sa Occidental Mindoro.
Ang isang matinding anomalya rito ay ang proyektong West Mindoro Arterial Road na sinasabing hawak ng Hanjin, dapat sa tindi ng lawak ng lupain dito na pag-aari ng mga residente binibili na lamang ng gobyerno ito sa mga may-ari para magamit ng pamahalaan ang lupa sa kanilang mga future projects.
Tuwang-tuwa ang mga residente porke nagkakapera sila sa mga lupang nabibili ng pamahalaan.
May million of pesos tayong pinag-uusapan na pitsa na binulsa sa mga kabig ni James Dean. Ganito ang sistema, ang mga lupang nasabi na binabayaran ng gobyerno ay ginagawan na ng mga presigned na dokumento ng mga alipores ni James Dean bago pa man maabisuhan ang may-ari hinggil sa pagbili ng kanyang lupa.
Ang matindi rito, kahit wala pang bayarang nangyayari ay pinapapirmahan na ang disbursement vouchers sa may-ari ng lupa. Masaya sila sa proseso porke super-bilis pero dismayado sila kapag natanggap nila ang pitsa na kabayaran sa nabiling lupa kasi kalahati na lamang ito ng presyo sa pinirmahan nilang disbursement voucher.
Ang palusot o dahilan ng grupo ni James Dean sa DPWH at DBM napupunta ang kalahati bilang service fees? Prez Gloria, pakibusisi ito.
Ang isa pang anomalya ay tungkol sa pondo ng mga proyektong panimula ng mga kontraktor o ang tinawag na 15 percent mobilization fund. Ang mga pribadong kontraktor ay nagpapasimula ng mga proyekto gamit ang kanilang mga sariling pondo porke ang 15 percent mobilization fund na dapat ibigay na panimulang kabayaran sa kanila ay kinakangkong ni James Dean.
Ayon sa mga kuwago ng ORA MISMO, may proyekto raw si Senator Loren Legarda-Leviste, P15 million ang halagang nasasangkot dito. Pinapaboran ng mga kabig ni James Dean porke malaki ang personal na kita nila rito.
Wala pa itong pondo pero ipinapatupad na ito sa pamamagitan ng sistema ng District Office na By administration." Sa sistemang ito ang mga kamoteng grupo ni James Dean ang nagma-manage ng proyekto. Kinukuha nila ang pondo mula sa ibang construction projects at kunwari ay ginamit nila ito sa pagpapatupad ng proyekto ni Sen. Leviste? Di pa start ang project ubos na ang pondo porke chop-chop na ito sa mga alipores ni James Dean.
Naku magagalit niyan si Leviste kapag nalaman ito, sabi ng kuwagong magbubukid.
Dapat immediate preventive suspension sa mga involved para hindi sila makapag-retoke ng mga papeles, pailing na sabi ng Kuwagong SPO-10 sa Crame.
Marami pang anomalya sa susunod na issue.
Abangan!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended