Prez GMA, muntik na namang ma-kamote
August 20, 2002 | 12:00am
MUKHANG paboritong kuryentehin ng ilang opisyal ng gobyerno si Prez GMA porke muntik na namang sumabit ito hinggil sa isyu ng mga judges na pinasasampahan ng kaso kasi gumawa raw ng katiwalian.
Mali ang style ni Customs Commissioner Antonio Bernardo nang isinampa ang kaso laban kay Judge Arnulfo Cabredo, ng RTC Branch 19 ng Tabacco, Albay, sa tanggapan ng Ombudsman noong isang linggo.
Pati tuloy si Prez GMA ay muntikanang makuryente porke parang naniwala ito sa Ombudsman na dapat isampa ang kaso? Ang dami pa naman mga photographers ang nagkokodakan kasama si Prez Gloria at Bernardo na naging banner sa mga diyaryo.
Dinala sa tanggapan ng Ombudsman ang kaso laban kay Cabredo ang judge na nagpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) upang na naging basehan para mailabas sa BOC at mawalang parang bula ang may 35,000 sacks ng umanoy smuggled rice sa Legaspi City. SC Chief Justice Hilario Davide, Your Honor!
Mabuti na lamang at narekisa ni acting Ombudsman Margarito Gervacio Jr., ang reklamo at ng makitang walang jurisdiction ng kanyang tanggapan ay mabilis na pinayuhan si Bernardo na sa Supreme Court isampa ang nasabing kaso. Uthopia Fraternities, take note?
Sa halip na dumiretso sa Supreme Court para isampa ang kaso ay sa Malacañang nagpunta si Bernardo at parang batang nagsumbong kay DOJ Secretary Hernando Perez, Your Honor.
Dapat sa tanggapan ng Court Administrator dinala ang kaso ni Judge Cabredo, anang kuwagong pulis na naglalanggas ng sariling galis.
Namali ang padala sa Ombudsman dinala. Masyadong pinamamadali ang kaso.
Alam naman ni Bernardo ang dapat gawin pero parang gusto niyang pahiyain si Prez GMA sa nasabing kaso, sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Kung nagkataon tiyak dinismiss ang kaso porke walang hurisdiksyon ang Ombudsman.
Sana review-hin nila ulit ang mga law books nila para hindi sila padalos-dalos sa mga kasong isinasampa.
Tumpak ka diyan, kamote."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest