^

PSN Opinyon

Paano ang pagdidiyeta ?

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
BAWAT tao ay may kanya-kanyang hubog ng katawan. Mayroong mataba, katamtaman ang taba at sobrang taba. May nagtataglay din ng balingkinitang katawan. Napapanatili ang magandang hubog ng katawan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo. Sa panahong ito ay maraming makabagong kagamitan sa pagpapaganda ng katawan.

Subalit ang pinakamabisang paraan para magkaroon ng malusog na katawan ay ang pagdidiyeta. Malaking bagay ang tinatawag na balanced diet. Dahil sa sobrang ganang kumain at sa katakawan kaya nga may mga obese. Hindi magandang tingnan ng taong malaki ang tiyan puro bilbil, at doble ang baba dahil sa katabaan.

Narito ang ilang paraan sa pagdidiyeta: Kumain ng tatlong beses sa isang araw. Kumain ng sariwang gulay, prutas at kaunti lamang ang kaining karne. Iwasan ang mga pagkaing de lata at softdrink. Sa mga lalaking nagpapalaki ng katawan dapat na kumain ng mga pagkaing mayaman sa carbohydrates.

Kung mag-didiyeta ang mga may high blood at diabetes, dapat na kumunsulta sila sa doktor. Ugaliing uminom ng fruit juices at maraming tubig. Anim hanggang walong basong tubig ang dapat inumin sa araw-araw. Ito’y malaking tulong sa sirkulasyon ng dugo.

DAHIL

IWASAN

KATAWAN

KUMAIN

MALAKING

MAYROONG

NAPAPANATILI

NARITO

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with