^

PSN Opinyon

Editoryal - Katiwalian sa DPWH

-
ANG katiwalian sa bansang ito ay hindi na maitatago. Maski si US Ambassador Richard Ricciardoni ay nalalaman ang grabeng katiwalian dito. Hindi lingid sa mga Amerikano o iba pang lahi ang nangyayaring malawakang corruption na nagiging dahilan kung bakit kakaunti o halos wala nang dayuhan na mag-invest ng kanilang pera sa bansang ito. Kilala na nila ang likaw ng bituka sa maraming ahensiya ng pamahalaan. Hindi gagalaw ang transaksiyon kung walang "padulas" na pera. Kung hindi man masayaran ng "padulas", ang iba ay lantaran ang pagnanakaw sa pera ng bayan sa pamamagitan ng pagpapalusot sa mga pirma para makalikom ng malaking halaga. Isa sa matibay na halimbawa ay ang nangyayaring katiwalian sa DPWH.

Tatlumpu’t isang opisyal at empleyado ng DPWH ang sasampahan ng kasong administratibo dahil sa paglustay ng P150 milyong pondo. Ang mga opisyal at empleyado ay inakusahang pumirma nang may 7,000 vouchers para sa "dinoktor" na expenses sa mahigit na 500 DPWH vehicles at heavy equipment. Ibinulsa nang mga inakusahang opisyal at empleyado ang pera. Ang anomalya ay nagsimula pa noong 1980’s at natuklasan lamang may pitong buwan ang nakararaan. Ang mga "dinoktor" na halaga ng repairs sa DPWH vehicles ay mas malaki pa sa aktuwal na halaga ng sasakyan. Nakagugulat malaman na noong nakaraang taon gumastos ang DPWH ng P900,000 para sa repair ng Mercedes Benz!

Ang Arroyo administration ay nagpapakita ng tigas sa mga "halang ang kaluluwa" subalit tila malambot naman sa mga gumagawa ng katiwalian. Paano makapagtatatag ng matibay na republika kung nasa paligid ang mga tiwali at nagpapasasa sa pera ng bansa. Ang DPWH ay isa sa mga corrupt na departamento ng pamahalaan. Kasama ng DPWH sa pagiging corrupt ang Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue at Philippine National Police.

Nararapat nang madurog ang mga tiwali sa DPWH. Dapat suot ni President Gloria Macapagal-Arroyo ang kamay na bakal at ibigwas sa mga tiwali sa nasabing tanggapan. Hindi ba’t ang pagdurog sa mga tiwali ang kanyang ipinangako noong manumpa siya noong 2001 bilang Presidente? Ngayon na ang tamang panahon para ipakita ang kanyang mga sinabi. Kapag natupad ang banta, tiyak na magkakaroon na ng pagkakataon ang isang matatag na republika na kanyang pinapangarap.

AMBASSADOR RICHARD RICCIARDONI

ANG ARROYO

BUREAU OF CUSTOMS

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DPWH

MERCEDES BENZ

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with