Hirap-sarap pumili
July 15, 2002 | 12:00am
BUMOTO ka na ba sa barangay o SK? Kung hindi pa, humayo muna sa presinto. Mamaya na basahin ito...
... Ang buhay talaga ay walang katapusang pagpili. Pag bata, pipili ng kalaro. Pag high school, pipili ng club na sasalihan. Sa college, pipili ng liligawan o sasaguting ka-steady, at kursong kukunin. Tapos, pipili ng papasukang trabaho, barkada sa opisina, mapapangasawa, pangalan ng anak, lugar na titirhan, gamit sa bahay, at kandidato tuwing eleksiyon.
Araw-araw, kade-kadenang pagpili ng grocery na bibilhin, ulam na lulutuin, palabas na papanoorin sa TV. Nakalilito, nakahihilo, sabit kung minsan. Pero masarap din dahil meron tayong free choice.
Sa produkto na lang, iba-iba ang choices. Nagpabili nga raw si Erap ng soda kay Jinggoy. Pepsi o Coke, tanong ng anak. Coke, sabi ng tatay. Diet o regular? Diet sana. Can o bote? Bote mas okey. Eight-ounce o litro? Pwe, tubig na nga lang!
Ganun din sa restaurant. Pagpasok mo pa lang, papipiliin ka agad: smoking o nonsmoking? Sa salad, tatanungin ka kung Thousand Island o Italian dressing? Sa steak, rare o medium o well done? Sa potato, baked o mashed, at sa topping sour cream o bacon? Paalis ka na nga at babayaran ang chit, papipiliin ka pa rin: cash, check o card? Ngek!
Sa pagpili ng malaking desisyon o maliit na detalye, gumagana ang ating five senses, pati na ang sixth sense ng kutob. Bahagi rin ng pagpili ang sariling karanasan at nabasa o nabalitaan sa iba. Kung minsan mabilis pumili, kung minsan pinaka-iisip nang ilang linggo, kasama ang dasal sa lahat ng santo.
Hindi lahat ng pinili ay nakakamit. Kung minsan, kakaiba ang pili.
Meron daw mag-asawang 60-anyos na binigyan ng genie ng tig-isang hiling. Sabi ni Lola, gusto niyang mag-Pacific Islands cruise, at napasakay siya sa luxury sealiner. Sabi ni Lolo, nais niya ng asawang mas bata nang 30 taon, at ginawa siya ni genie na 90 anyos. Aray!
Panoorin ang Linawin Natin, Lunes, 11:30 p.m., sa IBC-13.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest