^

PSN Opinyon

GMA: Nanunulay sa alambre

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
HINDI maganda ang kinatatayuan ngayon ni President Gloria Macapagal-Arroyo. Nasa pagitan siya ng dalawang nag-uumpugang bato na unti-unting umiipit sa kanya. Kung hindi niya ito mapipigil, maaaring mapisa siya nang walang kalaban-laban. Hindi tunay na pisikal ang gusto kong sabihin dito kundi ang kinalalagyan ng pagka-presidente ni GMA.

Ang isang malahiganteng bato na dapat na bigyan ng pansin ni GMA ay ang iba’t ibang civil society groups at mga militanteng grupo na tumulong upang maiupo siya bilang Presidente ng Pilipinas. Nilabanan ng mga ito at tumulong na mapalayas si ex-Pres. Erap Estrada sa Malacañang. Hindi maaaring iwaksi ang katotohanan na malaki ang utang na loob ni GMA sa mga grupong ito.

Sa kabilang dako naman, naririyan ang mga taga-oposisyon at mga taong dating kabig ni Erap na nais ngayong makipagbati at sumakay na sa trak ni GMA. Nangunguna sa mga ito ang magkapatid na sina Ronnie at Dong Puno at si Jimmy Policarpio. Maliban sa mga ito, marami pang malalaking bato ang gumigipit kay GMA na kumakatawan sa lahat ng mga problemang kinakaharap ng ating bansa.

Nagsimulang umalma ang mga dating kakampi ni GMA na tulad ng Copa, Kompil, Gomburza at Akbayan nang mabalita ang pagkuha ng administrasyon kay Sen. Blas Ople para Foreign Affairs Secretary. Lalong uminit ang galit ng mga ito nang malaman nilang hindi lang pala si Ople ang dinedemonyong lumipat kundi pati na ang mga Puno at si Policarpio.

Ayaw ng mga kapanalig ni GMA na tanggapin sa kanilang kampo ang mga dating kalaban. Ang tanong nila kay GMA: ‘‘Why are you sleeping with the enemy.’’ Kayo, ano sa palagay ninyo ang dapat gawin ni Ate Glo? Hindi ba niya dapat sundin ang sinabi ni dating Senate President Eulugio "Amang" Rodriguez na ‘‘Politics is addition?’’ Kung hindi siya mamumulitika, papaano naman siya sa 2004 elections? Papaano naman ang sinabi niyang ‘‘I made a lot of political mistakes?’’

Makalampas kaya si GMA habang nanunulay sa alambre?

ATE GLO

BLAS OPLE

DONG PUNO

ERAP ESTRADA

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY

GMA

JIMMY POLICARPIO

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with