^

PSN Opinyon

Subdural hemorrage: Pagdurugo sa utak

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
ANG pagdurugo sa utak sanhi ng head injury ay tinatawag na subdural hemorrage. Nagaganap ito sa pagitan ng outer (dura mater) at middle (archanoid mater) membranes na nakapaligid sa utak na nagiging dahilan ng blood clot o hematoma.

Ang acute subdural hematoma ay karaniwang nangyayari pagkatapos ng malubhang pinsala sa ulo samantalang ang chronic subdural hematoma ay nangyayari ilang linggo matapos ang pinsala sa ulo. This is caused by the previous trauma to the head that results in internal bleeding, even though the injury may appear to have been minor.

Mas mapanganib ang pinsala kung mangyayari ito sa mga may edad nang tao at doon sa mga umaabuso sa alak. Maaaring ikamatay o magkaroon ng permanent disability subalit mayroong mga pasyente na maayos ang paggaling.

May pagkakataon na ang mga sintomas ay hindi agad makikita pagkaraan ng pinsala sa utak at maaaring pagkalipas pa ng ilang linggo. Ang mga sintomas ay kinabibilangan ng pagsakit ng ulo na tumitindi araw-araw; makararanas ng drowsiness at confusions; at makadarama ng muscular weakness sa isang bahagi ng katawan. Sa mga babies, maaaring lumaki ang ulo lalo na kung ang hematoma ay malaki.

Kapag nakaranas ng mga ganitong sintomas, huwag mag-atubiling kumunsulta sa doktor upang magamot. Sasailalim sa diagnostic tests at scans. Kasunod nito ay ang operasyon upang matanggal ang clot at nang ma-relieve ang compression ng utak. Kapag ang pressure ay na-relieve, makarerecover nang dahan-dahan ang utak o there may be some permanent damage. Prognosis is good in those patients who receive prompt surgical intervention.

HEMATOMA

KAPAG

KASUNOD

MAAARING

NAGAGANAP

PINSALA

SASAILALIM

ULO

UTAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with