^

PSN Opinyon

Ang talinghaga ng lotto

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
ANG magsasaka ay kuntento na sa kanyang buhay. Hindi siya umaangal at hindi rin nagrereklamo. Madalas siyang nagpapasalamat sa Diyos sa mga natatanggap na grasya.

Sagana ang kanyang ani sa bukid kaya hindi sila nagkukulang sa mga pangangailangan sa bahay.

Mula sa kinikita ay naipaayos niya ang kubo. Napalitan ng hollow block ang mga dingding at ang pawid na bubong ay naging yero. Nakabili siya ng upuang narra at saka radyo.

Kung linggo ay nakapagsisimba silang mag-anak at kapag maganda ang palabas sa sine ay nanonood sila. Nagsasabong din siya kung minsan.

Ang kanyang apat na anak ay pawang nag-aaral. Ang kanyang asawa ay nakapag-iipon ng kaunting pera para sa hinaharap.

Gabi-gabi kapag nagdarasal ay nagpapasalamat ang magsasaka sa Diyos at wala siyang hinihingi ni anuman.

Isang kaibigan ang nakapuna sa kanya.

‘‘Bakit ka pa nagdarasal kung wala ka rin lang hihingin sa Diyos? Alam mo bang hinihintay ng Diyos ang iyong pangangailangan?"

‘‘Wala naman akong kailangan,’’ sagot ng magsasaka.

Pero nang gabing iyon ay inisip niya ang sinabi ng kaibigan. ‘‘Bakit nga ba hindi ako humihingi sa Diyos?’’

Nang gabi ring iyon ay hiningi ng magsasaka na manalo siya sa lotto. At araw-araw sa pagdarasal ay hiningi niya na manalo siya sa lotto. Ngunit walang nangyari.

Naghinanakit siya at sinabi sa dasal, ‘‘Diyos ko panalunin naman ninyo ako sa lotto kahit minsan lang.’’

Sumagot ang boses sa langit. ‘‘Naririnig kita araw-araw. Pero pagbigyan mo naman ako, tumaya ka naman sa lotto.’’

ALAM

BAKIT

DIYOS

ISANG

MADALAS

MULA

NAGHINANAKIT

NAGSASABONG

NAKABILI

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with