Malaswang awit at TV ad
July 3, 2002 | 12:00am
MARAMING pagkakataon na ang mga pagpuna ng BANTAY KAPWA ay nabigyan ng pansin ang kinauukulan. Pinuna ng BANTAY KAPWA ang isang TV commercial noon na tungkol sa magandang dalaga na bumaba ng bus at tumakbo sa talahiban para matugunan ang tawag ng kalikasan sabay ang commercial jingle na sa bukid walang papel. Agad itong inaksyunan ng PANA at nawala ang TV ad na iyon.
Kamakailan muli akong nabagabag ng isang TV ad tungkol sa amasona na may hawak na latigo at pinarurusahan ang mga lalaking bilanggo sa madilim na kastilyo. Isang guwapong modelo na bagamat nakatanikala at naka-boxer shorts lang ay nakuha pang magpabango at nabighani sa kanya ang sadistang amasona. Kinaladkad ang guwapong bilanggo tapos isinara ang mabigat na pinto at narinig ang sound effects ng hagupit ng latigo kasabay ang ungol ng babae na wariy labis na nasisiyahan habang siyay hinahagupit at niroromansa.
Isang bata ang nagtanong bakit umuungol at hinahagupit ang amasona. Napaka-suggestive at malaswa ang dating ng naturang komersiyal kaya muling nananawagan ang BANTAY KAPWA sa mga kinauukulan tungkol sa TV ad na ito.
Isa pang dapat na i-ban ay ang awitin na sobrang malaswa ang mensahe na hindi dapat mapakinggan sa radyo, lalo na ng mga kabataan. Malisyoso ang kanta na nagsasabi na isa pang quickie, bitin si honey. Bukod sa bastos ang lyrics hinaluan pa ng daing ng babae na animoy nakikipagtalik.
Dapat na aksyunan ang mga ganitong awitin na masamang impluwensiya sa mga kabataan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended