^

PSN Opinyon

Pera-pera lang

SAPOL - Jarius Bondoc -
IBA-IBA ang motibo ng 12 oposisyong senador sa pag-agaw ng liderato. Si Panfilo Lacson, napahinto ang pag-ikot at pagpapapirma ng report ng tatlong komite tungkol sa umano’y kidnapping, drug trafficking at dollar accounts sa US. Si Minority Leader Nene Pimentel, gustong ma-promote na Majority Leader. Si Blas Ople, nais muling maging Senate President Pro Tempore. Si Ed Angara, gustong pumapel bilang lider na puwedeng kumandidatong Presidente sa 2004. Sina Robert Jaworski at Tessie Oreta, hangad ma-reelect. Si John Osmeña, kunwari’y gigil kay Rene Cayetano pero balak i-dribble ang imbestigasyon sa PPA ng Meralco.

Pero sa huli, nagsalubong ang kani-kanilang interest sa paghahati ng mga komite ng Senado. Malaking pondo kasi ang hawak ng chairman ng bawat komite: P300,000 hanggang P500,000 kada buwan. Pang gastos sa staff, pangkain, at eroplano’t hotel kung out of town, pero puwedeng kupitin dahil walang auditing. Dagdag ito sa P45,000-buwanang sahod ng senador at P200,000 buwanang allowance. At dagdag din sa P150 milyong taunang pork barrel.

Pinagtigi-tigisahan ng 12 oposisyong senador ang 35 komite. Tig-tatlo sila, kaya may dagdag na pondong P900,000 hanggang P1.5 milyon bawat isa bawat buwan. Si Pimentel ay miyembro ng lahat ng komite; si Ople ay may dagdag na pondo bilang President Pro Tempore.

Ilegal daw ang leadership coup ng oposisyon, ani Senate President Frank Drilon. Kaya kung ano ang committee chairmanships noon, gan’un pa rin ngayon.

Pero nalilito ang mga banko kung saan naka-deposit ang pondo ng Senado. Sinulatan kasi nina Pimentel at Ople na huwag nang i-honor ang pirma ni Drilon sa mga tseke. Lito rin ang mga empleyado kung sino ang susunurin, kung si Ople o Drilon. Pati suppliers ng pagkain at serbisyo sa Senado, hilo na rin.

Magastos ang coup ng oposisyon, legal man o hindi. Nagpagawa na sila ng mga bagong calling cards, kung saan nakalista ang mga bagong committee chairmanships. Pati directory at stationery, nagpalimbag na rin.

DRILON

MAJORITY LEADER

OPLE

PATI

PERO

PRESIDENT PRO TEMPORE

RENE CAYETANO

SENADO

SENATE PRESIDENT PRO TEMPORE

SI BLAS OPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with