^

PSN Opinyon

Naudlot na report

SAPOL - Jarius Bondoc -
KUNG merong nakinabang nang husto sa Senate leadership coup, ’yon si Sen. Panfilo Lacson. Ire-report na sana ng committees on public order and illegal drugs, national defense and security, at accountability (blue ribbon) ang pagsiyasat sa umano’y rackets ni Lacson: Kidnapping, murder, drug trafficking at smuggling. Sampung senador pa lang ang pumipirma sa report, nagkagulo na. Inagaw ng Oposisyon ang chairmanships ng lahat ng komite. Kamala-mala mo, naging chairman si Lacson ng mismong committee on illegal drugs na nag-imbestiga sa kanya. Mabuti na lang at napansin niyang tila sine-set up siya nina Ed Angara at Nene Pimentel, mga makakatunggali niya sa pagka-Presidente sa 2004. Dahil kapalmuks ang dating at labag sa delikadesa, nakipag-palit agad si Lacson sa PMA classmate na si Gringo Honasan ng committee on local governments.

Ganunpaman, matindi ang sinasaad ng Senate Report No. 66.

Nirerekomenda ang pagsakdal kay Lacson sa kasong drug trafficking nu’ng hepe pa siya ng PNP at PAOCTF. Sangkot din sina Chief Supt. Reynaldo Acop, Sr. Supt. Francisco Villaroman at Supt. John Campos, na dating taga-PNP Region 4 at Narcotics Group.

Pinakakasuhan din sina Lacson sa pagkidnap sa mga suspek na drug lords sa Baguio na itinago nila sa safehouse para ipa-ransom. Ang pinaka-mababang kaso kay Lacson ay neglect of duty habang nasa PNP.

Hindi pinaniwalaan ng tatlong komite ang paratang ni Ador Mawanay tungkol sa smuggling ni Lacson. Kaya lusot siya rito.

Pinare-reprimand din si ISAFP chief Col. Victor Corpus dahil sa maling litrato ni Kim Wong na ibinigay ni Mawanay. Kaya nakabawi si Lacson sa kaaway kahit papano.

Pero mabigat lalo ang pagpapakaso ng kidnapping at drug dealing. Heinous crimes ito, walang bail, bitay o habambuhay ang sentensiya. At lalong mabigat, sampung kapwa-senador ang nagpaparatang.

Meron pa kayang pipirma miski kapwa taga-Oposisyon ni Lacson?
* * *
Lumiham sa Pilipino STAR Ngayon o sa [email protected]

ADOR MAWANAY

CHIEF SUPT

ED ANGARA

FRANCISCO VILLAROMAN

GRINGO HONASAN

JOHN CAMPOS

KAYA

KIM WONG

LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with