^

PSN Opinyon

Ano ba ang nangyayari sa ating bansa

KRUSADA - Dante L.A.Jimenez -
PATULOY ang mga nakaririmarin na panggagahasa sa mga kababaihan at pang-aabuso sa inosenteng kabataan.

Noong nakaraang linggo lamang, top story ang pagpatay ng ilang kabataan sa isang kilalang doktor ng St. Luke’s Hospital. Sinabi ng mga suspek na mga ‘‘untouchables’’ daw sila sa Los Baños, Laguna. Napag-alaman na kamag-anak daw ng mga suspek ang isang mayor sa Laguna. Ito ba ang dahilan kung bakit hindi puspusan ang imbestigasyong ginagawa ng Los Baños police? Nagtatanong lang.

Noong isang linggo rin, dumulog sa akin ang kamag-anak ng kambal na babaing ginahasa at pinatay. Nagpunta lamang ang mga biktima sa lalawigan upang dumalo sa isang kasalan.

Nabalita rin ang sindak na inihasik sa Taguig ng isang nagngangalang Rufilo Guab, na di-umano’y bumunot ng baril at ipinutok kung saan-saang direksiyon.

Sa Negros, isang bodega ng bigas ang sinalakay ng ilang katao at ninakaw ang mga laman. Biktima raw ng mapang-aping lipunan ang mga suspek kaya nagnakaw.

Sa patuloy na pananalasa ng krimen na unti-unting lumulumpo sa ating lipunan, marami na ang nagtatanong: Ano na ba ang nangyayari sa ating bansa?
* * *
Para sa mga katanungan o mga hinaing, iparating lamang ang mga ito sa [email protected] o tumawag sa opisina ng VACC sa tel. no. 525-9126 loc. 13, 20 at 21 telefax no. 525-6277.

ANO

BIKTIMA

ISANG

LOS BA

NOONG

RUFILO GUAB

SA NEGROS

ST. LUKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with