^

PSN Opinyon

Dobleng benepisyo sa WW-II veterans

SAPOL - Jarius Bondoc -
Kailangan magtaray paminsan-minsan ni Presidente Gloria Arroyo para makamit ang nais para sa mahihirap na mamamayan.

Nasa pulong si GMA sa mga taga-US Veterans Administration sa Washington, DC nu’ng Nobyembre nang pumutok ang kanyang butsi. Sinabon ang VA officials na puro sila pangako ng tulong sa Filipino veterans na lumaban sa Hapon kasama ng US Armed Forces in the Far East (USAFFE) nu’ng World War II, parati namang napapako. "Pinaasa niyo nang husto ang tatay ko nang Presidente pa siya nu’ng 1960s," ani GMA, "tapos pangako pa rin ang ibibigay niyo sa akin? Tumatanda at namamatay na ang mga beterano namin. Kailangan ko ng aksiyon."

Natahimik ang VA officials. Inaming tama si GMA. Kailangan sa Kano deretsuhang salita, para tumalab. Kinabukasan nag-miting si GMA kay President George W. Bush sa White House. Pinag-usapan ang tulungan ng RP at US laban sa terorismo. Di nabanggit ang isyu ng mga beterano. Pero nai-report na kay Bush ang naganap na pananabon.

Nu’ng unang linggo ng Abril, dumating sa Manila ang hepe mismo ng VA. May dalang good news: iginigiit ni Bush ang Filipino Veterans Equity Bill. Malamang na ipasa ito ng US Congress sa Hulyo.

Pinaka-mahalagang probisyon ng bill ang pagkilala sa pagkaka-pantay-pantay (equity) ng sundalong Amerikano at Pilipino na kaanib ng USAFFE o nag-gerilya. Kaya kung anong pensiyon ang tinatanggap ng US veterans, ganoon din sa Filipinos. Dodoble ang pensiyon ng huli. Magtatalaga rin ng mga ospital sa Pilipinas kung saan maaaring magpa-confine o kumonsulta ang Filipino veterans, asawa’t dependents nila. Marami pang ibang magandang provisions.

Babala lang sa veterans: hindi pa pasado ang bill. Huwag magpaloko sa fixers na naniningil ng P25,000 para ayusin kuno ang papeles nila sa Washington.
* * *
Abangan ang Linawin Natin, tuwing Lunes, 11:30 p.m., sa IBC-13.

ARMED FORCES

FAR EAST

FILIPINO VETERANS EQUITY BILL

KAILANGAN

LINAWIN NATIN

PRESIDENT GEORGE W

PRESIDENTE GLORIA ARROYO

VETERANS ADMINISTRATION

WHITE HOUSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with