^

PSN Opinyon

Ilaw sa kadiliman

ALAY DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
SA mga Ebanghelyo, lalo na sa isinulat ni Juan, si Jesus ay isinasalarawan bilang ilaw o liwanag. Siya ay ilaw una at pangunahin para sa mga Judio. Subalit tinanggihan nilang maniwala. Ang pahayag na iniaalok ni Jesus subalit tinanggihan ay, sa bandang huli, ibinigay sa mga Hentil.

Narito ang mga kataga ni Jesus sa pamamagitan ni Juan (Jn. 12:44-50).

‘‘At malakas na sinabi ni Jesus, ‘Ang nananalig sa akin ay hindi lamang sa akin nananalig, kundi pati sa nagsugo sa akin. At ang nakakita sa akin ay nakakita sa kanya. Ako’y naparito bilang ilaw ng sanlibutan, upang hindi manatili sa kadiliman ang nananalig sa akin. Kung mapakinggan ninuman ang aking mga salita ngunit hindi niya tuparin ito, hindi ko siya hahatulan. Sapagkat naparito ako hindi upang hatulan ang sanlibutan kundi upang iligtas ito. May hahatol sa sinumang magtakwil sa akin at hindi tumanggap sa aking mga salita; ang salitang ipinahayag ko ang hahatol sa kanya sa huling araw. Sapagkat hindi ako nagsalita sa ganang sarili ko lamang, kundi ang Amang nagsugo sa akin ang siyang nag-utos kung ano ang aking sasabihin at ipahahayag. At alam kong ang kanyang utos ay nagbibigay ng buhay na walang. Kaya’t ang ipinasasabi ng Ama ang siya kong sinasabi.’’


Dahil sa kasalanan ni Adan, ang mundo ay nabalot ng kadiliman. At si Jesus ay naparito upang maging ilaw o liwanag sa kadiliman. Ang kadiliman ay nangangahulugan na hindi natin alam ang ating patutunguhan. Hindi natin kilala ang Diyos. Hindi natin kilala kung sino tayong tunay – ang ating dangal, ang ating kahalagahan.

Sumunod, sinasabi ni Jesus na ang mga Judiong tumangging maniwala ay nakondena na. Sila ay nakondena na nang mismong mga salita ni Jesus. Ang mga salita o kataga ni Jesus ay nagsasaad kung sino siya. kinakailangan ng tao – ang makasalanan – si Jesus, ang Tagapagligtas. Kinakailangan ng taong nasa kadiliman ng kasalanan si Jesus, ang Ilaw.

Karamihan sa mga Pilipino ay natanggap na si Jesus bilang Tagapagligtas. Siya ang ating liwanag o ilaw. Nananalig tayo sa kanyang pagkabuhay na mag-uli. Siya ang ating pag-asa. Tulad niya, tayo ay mabubuhay magpakailanman.

ADAN

AKIN

DAHIL

DIYOS

JESUS

SAPAGKAT

SIYA

TAGAPAGLIGTAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with