^

PSN Opinyon

Sugal ng buhay

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen.Juan M. Flavier -
ANG pagsusugal ay isa sa pinakatanyag na libangan sa nayon.

‘‘Nagsusugal ba kayo, Tata Poloniong?’’ tanong ko.

‘‘Aba, oo, pero katuwaan lang. Iyon lang kasi ang libangan dito sa nayon. Walang sinehan dito.’’

Tinitingnan ko si Tata Poloniong. ‘‘Pero hindi ko kayo nakikitang pumusta sa sugal. Nakita ko kayong nanood ng bingo sa harap ng sari-sari store. Pero hindi kayo tumataya.’’

Ngumiti si Tata Poloniong. ‘‘Kasi paminsan-minsan lang akong tumataya. Pag may halalan ay pumupusta ako sa mananalong Presidente. Pag may boxing, tinatayaan ko ang kursunada kong boksingero. Kung minsan pumupusta ako sa basketball.’’

‘‘Hindi iyan ang ibig kong sabihin.’’

‘‘Alam ko ang tinutukoy n’yo Doktor. Ang ibig n’yong sabihin ay ‘yung mga sugapa sa sabong, sakla at blackjack at kahit ano ay ipinupusta.’’

‘‘Iyon nga, Tata Poloniong,’’ at sabay kaming napatawa.

"Alam n’yo Doktor, ang buhay ng tao ay isang sugal. Pati ang life insurance ay ganoon din. Para tayong pumupusta sa buhay. Pag mamatay ay talo ang kompanya ng seguro, kaya babayaran tayo. Pag nabuhay tayo ay panalo sila.’’

‘‘Oo nga, ano? Pero ‘yung kapitbahay n’yong si Nanding ay nakaaaliw. Bumibili siya ng isang ticket sa sweepstakes tuwing dalawang linggo."

‘‘Tinanong ko siya tungkol diyan,’’ sagot ni Tata Poloniong. ‘‘Ang dahilan niya ay iba. Gusto lang niya na may inaasahan na bakasakali sa buhay. Araw-araw ay hawak ang ticket sa pag-asa sa manalo. Iyon na ang kanyang kaligayahan at aliwan sa buhay. Ang umasa na bakasakali isang araw ay manalo.’’

ALAM

ARAW

BUMIBILI

DOKTOR

IYON

KASI

NAGSUSUGAL

PAG

PERO

TATA POLONIONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with