^

PSN Opinyon

Gustong magkabahay

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Ang column na ito ay aking binubuksan para sa lahat na may katanungan sa programang pabahay. Sumulat kayo sa akin. Ang inyong liham ay ilalathala pati ang aking kasagutan.

Bilang panimula, narito ang isang liham mula kay Gng. Marilou Reyes mula C-5 Taguig, Manila.

Dear Sec. Michael T. Defensor,


Ako po ay sumulat upang idulog ang aking kahilingang magkaroon ng sariling bahay na maaari kong hulugan sa mababang halaga. Ako po ay isang ordinaryong empleyado ng gobyerno na kumikita ng mahigit sa P7,000 kada buwan. Ang asawa ko ay walang pirmihang trabaho. Sa ngayon ay nakikitira lamang po ako sa aking kapatid.

Minsan po ay narinig ko na may Rent-to-Own Program daw po ang Pag-IBIG. Ano po ba ang mga requirements? Mahigit tatlong taon na po akong miyembro ng Pag-IBIG, kuwalipikado po ba ako?


Marami na ang naging benepisyaryo ng Rent-to-Own Program ng Pag-IBIG at ito ay angkop sa mga miyembrong gustong magsimula ng pamilya dahil na rin sa mababang renta. Ikaw ay kuwalipikadong mag-apply. Narito ang mga eligibility requirements upang makasali sa programa. Ikaw ay dapat na nagbabayad ng kontribusyon sa Pag-IBIG. Ang mga hindi miyembro ay maaari ring mag-apply ngunit kinakailangang maging miyembro kapag pumirma na sa kontrata. Dapat na hindi bababa sa P4,000 kada buwan ang family income. Kinakailangan din na wala pang bahay na pag-aari ang mag-aaplay at walang housing loan sa anumang banko o public institution. Maaaring may kapasidad ang miyembro na pumasok sa kontrata at hindi dapat maging benepisyaryo ng Rent-to-Own Program. Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan sa Rent-to-Own Program Office 6th Floor, Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City.

ATRIUM BLDG

DEAR SEC

IKAW

MAKATI AVENUE

MAKATI CITY

MARILOU REYES

MICHAEL T

OWN PROGRAM

OWN PROGRAM OFFICE

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with