Hustisya sa mag-amang Alejo
April 12, 2002 | 12:00am
OKTUBRE 10, 2001 nang kumpirmahin kay Nida Alejo na pinatay na ang kanyang asawang si Julio at anak na si Julius. Pero naniniwala si Nida na hindi pagnanakaw ang dahilan kaya pinatay ang kanyang asawat anak. May anggulong pulitika at malaking perang involved ang palagay niya kung bakit tinimbuwang ang mga mahal niya sa buhay.
Ibinulong sa mga kuwago ng ORA MISMO na masyado palang "juicy" ang position ni Julio. Ang puwesto niya bilang forester sa Aurora ang pinag-aagawan ng mga katulad niyang empleyado ng DENR.
Maganda palang magnegosyo sa lugar na ito ayon sa bulong sa mga kuwago ng ORA MISMO. Hindi birong atik ang dadaan sa mga kamay mo basta marunong ka lamang makipag-CASH-unduan sa mga kausap mo.
"Logging" umano ang magandang hanapbuhay kaya maraming mga kamote ang yumaman sa lugar na ito?
Hindi NPA ang tumira sa mag-amang Julio at Julius kundi mga upahang mamamatay-tao. May grupong naiinggit kay Julio kaya siya pinatay, nadamay lamang si Julius. Nakilala ni Julius ang taong bumanat sa kanyang ama kaya isinama ito sa hukay.
May tatlong tao ngayon ang sinasabing nagkutsabahan para ipapatay ang mag-ama. Naghihimas sila ngayon ng rehas sa kulungan.
Malalim ang alitan kaya matindi ang dinanas na paghihirap ng mag-ama bago nila nakaharap si Kamatayan.
"Nakakulong na pala ang mga suspek, ano pa ang problema?" tanong ng kuwagong maninipsip ng tahong.
"Wala ang bangkay kaya ito ang problema," sagot ng kuwagong pulis na naglalanggas ng kanyang sariling galis.
"May ginagawa ba ang kapulisan sa Nueva Ecija tungkol dito?" tanong ng kuwagong Kotong Cop.
"Hindi ko tiyak, kamote."
"Dapat sila ang magkalkal kung nasaan ang labi nina Julio at Julius," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Iyon ang problema mukhang natutulog."
"Bakit nahawa ba sila kay Sleeping Beauty?"
"Palagay ko!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended