Pilipinas: Tambakan ng mga segunda manong gamit
April 10, 2002 | 12:00am
ANG ating bansa ay ginagawang tambakan ng mga segunda manong kagamitan na kadalasan ay mga basura ng ibang bansa. Walang tigil ang pagdagsa ng mga lumang damit, sapatos at mga household appliances. Ang mga appliances gaya ng TV, refrigerator, electric fans, aircons, washing machines na galing Japan at China ay inaayos ng mga local dealers at ibinebenta sa murang halaga. Ang mga TV ay inire-rechannel at gumagastos lang ng kaunti sa pagpapaayos at ipagbibili na. Marami ang nag-aakala na brand new ang nabili nila.
Ang mga second hand computers na galing sa Australia ang ipinagbibili ng mura. Itoy gamit sa mga opisina at maging sa mga eskwelahan.
Talamak din ang smuggling ng mga damit at sapatos. Makailang beses nang nagreklamo ang mga taga-local garment industry sa paglipana ng mga ukay-ukay na sinasabi nilang pumapatay sa garment in-dustry.
Nagsampa rin ng reklamo ang mga local car manufacturers and dealers sa katiwalian ng bentahan ng mga second hand moving vehicles and equipment. Maraming segunda manong sasakyan ay galing sa China, Singapore at Japan. Ang right hand driving ay kino-convert sa left hand driving at ang prosesong ito ay delikado sa pagmamaneho. Problema rin ang mga segunda manong sasakyan dahil sa polusyon na labag sa Clean Air Act.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended