^

PSN Opinyon

Police visibility ang kailangan

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
WALA pa ring tigil ang grupong Indigenous People’s Federal State Army sa pananakot. Sinabi ng grupo na 10 bomba pa ang kanilang itatanim sa Metro Manila. Pati ang Kongreso at Malacañang ay tataniman umano ng bomba. Ang grupong ito ay nagnanais na baguhin ang sistemang pulitikal ng bansa. Ibig nilang gawing Federal state ang Pilipinas.

Patuloy ang bomb scare. Marami ang nahihintakutan na baka sa LRT, MRT, sinehan at mall ay may bombang sasabog. Sa sitwasyong ito ay kailangan ang pagpapatrulya ng mga pulis sa iba’t ibang lugar upang masiguro ang kaligtasan.

Marami akong nakausap kaugnay ng bomb scare at marami ang nagpahayag na kailangan ang police visibi-lity. Sabi nila, iba na kapag may pulis na nakikita. Kahit na papaano ay feel na protektado at safe sa lugar na pinupuntahan.

Mas marami ang pabor na ang mga nagpapatrulyang pulis ay nakauniporme at hindi nakasibilyan. Iba nga naman ang porma ng mga nakaunipormeng pulis. Payag din sila na magpakalat ng mga secret marshals. Sinabi pa ng aking mga nakausap dapat ang mga magpapatrulyang pulis ay maging maingat at listo sa pagkilatis sa mga suspicious-looking characters na maaaring may dalang bomba. Hindi dapat sitting pretty, nagkukuwentuhan, naninigarilyo at abala sa pagte-text ang mga pulis.

FEDERAL STATE ARMY

IBIG

INDIGENOUS PEOPLE

KAHIT

KONGRESO

MALACA

MARAMI

METRO MANILA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with