^

PSN Opinyon

Joey Marquez at Alma Moreno hindi nagtabi sa recognition day ng mga anak

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
Alam n’yo bang kahit sa recognition day ng kanilang mga anak ay hindi man lang nagtabi si Parañaque Mayor Joey Marquez at Alma Moreno?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Goya Magno ng MBC-Sales; Eleanor Ebreo, Vernon Kinilitan, Bro. Philmore Balmaceda, Glen del Rosario at WB Allan Bontuyan.
* * *
Alam n’yo bang maski sa recognition day ng dalawang anak nina Joey Marquez at Alma Moreno ay hindi nagkibuan ang dating mag-asawa?

Ayon sa aking bubuwit, noong March 25, 2002, dakong alas-9:30 ng umaga ay dumalo sina Joey at Alma sa re-cognition day ng dalawa nilang anak na sina Yeoj at Winwin. Ginanap iyon sa Southville International School, B.F. Homes, Parañaque City kung saan nag-aaral ang dalawa.

Si Yeoj, Grade V, ay tumanggap ng silver medal, samantalang si Winwin, Grade IV, ay tumanggap din ng silver medal.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, nang tinawag ang pangalan ni Winwin ay unang tumayo at lumapit si Joey. Sumunod naman si Alma. Nang sila ay nasa entablado na, halatang hinarangan ni Joey si Alma. Inunahan talaga ni Joey upang siya ang magsabit ng medalya sa anak.

Pagkatapos isabit ni Joey ang medalya ay hinalikan ang anak at saka inilayo kay Alma. Dahil dito hindi man lamang nahalikan o nabati ni Alma ang anak.

Bumalik sila sa upuan ng mga magulang subalit sila ay naghiwalay ng upuan.
* * *
Ang mag-asawa ay muling umakyat sa entablado nang bigyan ng award si Yeoj subalit sa pangalawang pagkakataon, hinarangan uli ni Joey ang asawa. Siya na naman ang nagsabit ng medalya sa anak at saka hinalikan. Pagkatapos ay halatang inakay palayo ang bata mula sa ina.

Hindi rin nagawang halikan ni Alma ang anak. Bagamat halatang masama ang loob ni Alma sa pangyayari, dinaan na lamang ito sa ngiti.

Ayon pa sa aking bubuwit, nang bumalik sa upuan ang mag-asawa, sila ay hiwalay na naman ng upuan.

Makalipas lamang ng ilang minuto kahit hindi pa tapos ang recognition day ay umalis na sina Joey at Alma. Hiwalay sila ng sinakyang kotse. Iniwan nila ang mga anak.

vuukle comment

ALAM

ALLAN BONTUYAN

ALMA

ALMA MORENO

ANAK

AYON

ELEANOR EBREO

JOEY

WINWIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with