^

PSN Opinyon

Para malusog ang baboy

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
Si Mang Senting ay hindi lamang magaling na magsasaka kundi magaling ding mag-alaga ng baboy. Nang sabihin niya sa akin na gusto niyang mag-alaga ng baboy ay mabilis akong pumayag. Sa nayon kasi ay usung-uso ang tinatawag na sistemang "paiwi" sa baboy. Ang may-ari ang bibili ng biik at ang mag-aalaga ang bahala sa pagkain, gaya ng darak.

Ganoon nga ang nangyari, bumili ako ng biik at pinaalagaan ko ito kay Mang Senting.

Pagdating ng pitong buwan, malaki na ang baboy na pinaalagaan ko kay Mang Senting. Ipinagbili at naghati kami sa benta. Mahusay talagang mag-alaga si Mang Senting dahil malaki ang aming kinita at pinaghatian. Hangang-hanga ako.

‘‘Ano ba ang sekreto mo sa pag-alaga ng baboy Mang Senting?’’ tanong ko bilang papuri. Bahagyang namula si Mang Senting dahil likas itong mahiyain.

‘‘Natandaan mo pa ba Doktor nang binili natin ang biik sa bayan?"

"Oo naman."

"Di ba ang pinili kong biik ay matambok ang batok at mataas ang tindig. Ito ang mga tanda ng biik na magiging malusog. Natandaan n’yo na itinali ko ang mga paa ng biik at tapos ay inilagay sa sako para ibiyahe sa nayon. Pagdating sa amin, inilublob ko ang nguso ng biik sa tapayan na puno ng tubig. Sa lakas ng sigaw ng biik, nalaman ko na magiging malusog siya sa paglaki.’’

Huminto ako sa pagsasalita. Parang kinikilatis kung ako ay tatawa o maniniwala sa sinasabi. Hindi ako kumibo pero napansin niya na lubos ang aking pakikinig. Kaya itinuloy niya ang pagsasalita.

‘‘Habang inilulublob ko ang nguso ng biik sa tapayan ay isinigaw kong ‘magpapakatakaw ka, magpapakatakaw ka!’ Pagkatapos ay uminom ako ng isang basong tubig na hindi huminga hanggang naubos ang tubig sa baso. Dahil dito ang biik ay naging maganang kumain ng kaning-baboy at darak.’’

AKO

ANO

BABOY

BAHAGYANG

BIIK

DAHIL

MANG SENTING

NATANDAAN

PAGDATING

SI MANG SENTING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with