Tindahan sa nayon
February 19, 2002 | 12:00am
MALAKI ang tindahang iyon sa nayon na may karatulang "TINDAHAN NATIN". Konkreto ang tindahan. May rehas na bakal sa harap. Napansin ko agad ang mga sako ng fertilizer sa loob ng tindahan na ang taas ng pagkakapatong ay abot sa kisame. Mukhang hindi pangkaraniwang tindahan ng fertilizer sapagkat sa loob ay may ibat ibang kalakal.
Si Mang Asiong na tesorero ng kooperatiba ang nakita kong tao sa tindahan.
Maaari po bang bumili ng fertilizer? bati ko kay Mang Asiong.
Aba, opo Doktor, magalang na sagot.
Pero bago ako bumili e mayroon akong itatanong. Paano ba nag-umpisa ang tindahang ito?
Pinapasok ako sa loob ng tindahan at binigyan ng maiinom at saka ikinuwento ang lahat.
"Nag-umpisa kami sa mga pangkaraniwang pangangailangan gaya ng asukal, asin, sabon at iba pa. Nakita namin na pareho ang pangangailangan namin. Lahat kami ay namamasahe pa para pumunta sa bayan para mamili. Ang ginawa namin inilista ang lahat nang may kailangan. Napamura dahil maramihan at isa lang ang namamasahe patungo sa bayan.
Ano pa ang sumunod?"
"Dahan-dahang natuto kami sa paglista. Dumating ang punto na malaki na ang bilihin kaya itinatag ang tindahang ito. Noon din idinagdag ang fertilizer. Nang lumaki na ang kita nakapagpagawa kami ng ganito kalaki at konkretong gusali.
Parang madali, sabi ko.
Kasi sinabi ko sa madaling paraan. Hindi ko binanggit ang sakit ng ulo at maraming sama ng loob na aming dinanas habang itinatayo ito.
Humanga ako sa sigasig ng taga-nayon at lalo kay Mang Asiong.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended