^

PSN Opinyon

Gen. Aglipay paimbestigahan mo ang perang narekober sa sasakyan ni Marie Hilario

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
Usap-usapan sa ngayon ang mga security guards sa Shangri-La shopping Mall sa Mandaluyong City ang bungkos-bungkos na perang narekober sa loob ng RAV 4 na inabandon sa parking lot matapos ang foiled abduction attempt kay Marie Hilario noong Enero 5.

Nagtataka ang mga security guards dahil hindi man lang napabalita sa mga pahayagan ang narekober na pera samantalang kitang-kita ng kanilang mga mata habang binibilang ito ng isang opisyal ng Mandaluyong City police. Kaya nagduda ang mga security guards na maaaring may intensiyong masama ang naturang opisyal dahil bigla silang pinaalis at inutusang mag-ronda ng matantiya nito na pinanonood nila ang pagbibilang niya ng pera.

Dapat paimbestigahan ni Director Edgar Aglipay, hepe ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), ang perang anggulo sa kidnapping ni Hilario para mawala ang alingasngas na ang kapulisan natin ay balik na naman sa dating gawi. Mapupunta sa walang saysay ang mga pinaghirapan ni Aglipay habang patuloy ang usap-usapan ng mga security guards na may milagrong nangyari sa pagkarekober ng RAV 4.

Hindi lang pera ang hindi nadeklara, ayon sa mga security guards, kundi pati anim na cellphones na naiwan din sa loob ng behikulo. Sinabi naman ng mga pulis na nakausap ko na ang idineklara na perang narekober ni Mandaluyong City police chief Supt. Sukarno Ikbala ay P26,000 lamang. Pero abo’t langit na tinantiya ng mga Scene of the Crime Operatives (SOCO) na nagresponde sa naturang insidente na lalagpas sa P50,000 ang narekober na pera.

Sinabi ng mga security guards na ang pulis na nagpaalis sa kanila habang nagbibilang ng pera ay isang matangkad at may konting katabaan. Kilala kaya ito ni Supt. Ikbala? Tanong nila.

Walang imik si Sheila Lim, ang may-ari ng RAV 4 ukol sa pera. Kung hindi kay Lim ang pera, maaaring pag-aari ito ng dalawang armadong kalalakihan na tumangkang kumidnap kay Hilario na anak ng isang opisyal ng pulis. Ito palang si Lim ay may P47 milyon na nakatago sa banko. Narekober din sa loob ng sasakyan ang mga tsekeng nagkakahalaga ng milyon na inisyu ni Lim sa iba’t ibang tao. Pero ng imbestigahan ng pulisya, ang negosyo lang ni Lim ay isang pirasong karaoke bar sa Maynila.

Maaaring tumaas bigla ang acceptance rating ng pulisya natin sa pagbalik ni Aglipay sa NCRPO. Subalit ang alingasngas sa kaso ng RAV 4 ay makakaapekto ng husto sa tiwala ng taumbayan kapag hindi naaksiyunan ito. At sigurado akong pati ang hangarin ni Aglipay na mapansin ni Presidente Arroyo ay madungisan din. Sayang ang PR campaign mo pag nagkataon Gen. Aglipay.

Sa pagkaalam ko, lahat ng report ng pulisya ukol sa RAV 4 ay dadaan sa harapan ni Supt. Ikbala. May itinatago kaya siya? Kayo na mga suki ang maghusga sa kasong ito.

AGLIPAY

DIRECTOR EDGAR AGLIPAY

HILARIO

IKBALA

MANDALUYONG CITY

MARIE HILARIO

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

PERA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with