^

PSN Opinyon

Pagkahilo

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
MARAMI ang dumaraing ng pagkahilo, vertigo at iba pang karamdamang kaugnay sa pananakit ng ulo. Marami ang nagrereklamo na hindi sila makagalaw ng husto, mabigat ang pakiramdam, hindi makapag-concentrate na mabuti at apektado ang pagtatrabaho nila dahil pakiramdam nila’y umiikot sila at babagsak. Ang iba’y nagdaranas ng motion sickness at sea sickness.

Ang ganitong karamdaman ay may kaugnayan sa inner ear problem ayon kay Dr. Gil Vicente, head ng Department of Otalaryncology-Head and Neck Surgery ng Jose Reyes Memorial Center at St. Luke’s Medical Center.

Ayon kay Dr. Vicente, ang pagkahilo, vertigo, motion sickness at sea sickness ay kaugnay sa sense of balance and equilibrium at batay ito sa pagkilos at ugnayan ng mga bahagi ng ating nervous system. Ang ating inner ears na tinatawag ding labyrinth ay nagmomonitor sa direksyon ng ating paggalaw. Ang mga mata naman ang nagmo-monitor kung nasaan tayo at kung anong ginagawa natin.

Narito ang ilang paraan para maiwasan ang pagkahilo. Iwasan ang madaliang pabagu-bago ng posisyon lalo na kapag nakahiga at biglang babangon at naglalakad. Iwasan ang sobrang paggalaw ng ulo o extremes head motion. Iwasan ang paninigarilyo, pag-inom ng kape at pagkain ng sobrang alat at iba pang produkto na makakasama sa blood flow. Iwasan ang stress at mga bagay na nagdudulot ng allergy. Kapag napaghihilo ay huwag nang umakyat sa matataas na lugar. Huwag magbasa habang umaandar ang sasakyan and avoid to sit to a seat facing backward. Iwasan ang nasasangsang na amoy; spicy or greasy food bago maglakbay o habang nagta-travel at iwasan ding makipag-usap sa taong may motion sickness at para makasiguro ay uminom ng gamot kontra hilo na rekomendado ng doktor.

AYON

DEPARTMENT OF OTALARYNCOLOGY-HEAD AND NECK SURGERY

DR. GIL VICENTE

DR. VICENTE

HUWAG

IWASAN

JOSE REYES MEMORIAL CENTER

KAPAG

MEDICAL CENTER

ST. LUKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with