Gusto n'yo bang magkaroon ng flawless skin?
November 18, 2001 | 12:00am
Ang regular na pag-eehersisyo ay kailangan ng katawan, lalo na sa kababaihan na ang kagandahan ng balat ay napakalaking katangian.
Ayon sa dermatologist na si Dr. Grace Carole Palacio Beltran, maraming paraan para ang babae ay magkaroon ng flawless skin. Bukod sa pag-eexercise, tamang pagkain at wastong lifestyle ay importante sa pangangalaga ng balat.
Narito ang ilang importanteng bagay para magkaroon ng magandang balat ayon kay Dr. Beltran: Dapat na huwag sobrang mabilad sa araw. Delikado ang init ng araw lalo na mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon. Nakasusunog ito ng balat at ito rin ang isang sanhi ng skin cancer. Idinugtong ni Dr. Beltran na dapat kapag nag-eexercise ay walang make-up dahil ito ang maaaring pagmulan ng mga spots sa balat ng mukha. Dapat na maghilamos ng mukha bago mag-exercise, lalo na sa mga nagja-jogging at brisk walking.
Sa mga babaing may mahabang buhok, dapat na huwag hayaan itong nakalugay dahil ang anumang styling products and oil ay tatama sa mukha at masama ang epekto ng mga ito sa balat. Dapat na itali o itirintas ang buhok kapag nag-eexercise. Matapos ang inyong workout, maghilamos ng mukha at punasan ng malinis na tuwalya at mag-apply ng moisturiser. Idinagdag pa ni Dr. Beltran na ang active lifestyle ay importante para mapanatili ang Vitamin D synthesis sa balat.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest